Andre Paras thankful that fans accept his love teams with Barbie Forteza and Yassi Pressman

Andre Paras on having two love teams: "I'm really happy kasi yung mga nagsu-support sa amin ni Yassi ay nagsu-support din sa amin ni Barbie. Parang I'm really thankful dahil the fans are understanding po, and I think that's really what's important talaga po. In this world kasi ng showbiz, we're here kasi to entertain people. And I'm really happy na kahit sino po ang ka-love team ko ay nae-entertain at napapasaya po namin yung fans po namin."


Nagpapasalamat si Andre Paras sa kanyang fans at supporters dahil tanggap ng mga ito kahit sino man ang i-partner sa kanya.

Sa ngayon kasi ay itinatambal si Andre sa pelikula kay Yassi Pressman, habang sa telebisyon naman ang ka-loveteam niya ay si Barbie Forteza.

Si Barbie ang kapareha ni Andre sa bagong primetime teleserye ng GMA Network, ang That’s My Amboy, na magsisimula sa Enero 25.

Sabi ni Andre, “Honestly, kasi walang nangba-bash sa amin.

“I’m really happy kasi yung mga nagsu-support sa amin ni Yassi ay nagsu-support din sa amin ni Barbie.

“Parang I’m really thankful dahil the fans are understanding po, and I think that’s really what’s important talaga po.

“In this world kasi ng showbiz, we’re here kasi to entertain people.

"And I’m really happy na kahit sino po ang ka-love team ko ay nae-entertain at napapasaya po namin yung fans po namin.

“And that’s for me the goal talaga po.

“And, yun na nga, I’m also thankful na walang nangba-bash sa akin na, you know, ‘Stay with this love team, mas bagay kayo diyan.’

“Everyone is excited, like, ‘I’m excited for your new soap. I’m excited for your new movie.’

“And I’m really thankful na people are really understanding po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa presscon ng That’s My Amboy na ginanap sa 17th gloor ng GMA Network Center kagabi, January 21.

THANKFUL TO BARBIE. Pero sino ba ang mas gusto niyang ka-love team—si Barbie o si Yassi?

Ayon kay Andre, “It’s different kasi, e. Iba naman kasi, e, like si Barbie po sa TV and si Yassi sa movie.

“Of course, right now, we’re focusing on That’s My Amboy, di ba, with Barbie?

“I’m really happy that I’m with Barbie dahil two years kami together sa The Half Sisters, and I’ve learned a lot sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m really thankful na it’s a different feel kasi drama nga yung Half Sisters and then bago lang ako.

“Barbie accepted me and I’ve learned a lot sa kanya dahil I know she’s a veteran actress and she’s really good in what she does.

“And I’m really thankful that she’s always there to guide me, and she’s also there to make me laugh.

“And I’m also always there for her kasi alam mo naman puyatan.

“And we’re there for each other like to motivate each other para matapos iyong eksena and, you know, to really push each other talaga.”

Bukod sa kasiyahang makakasama ulit ni Andre si Barbie sa bagong teleserye, ikinatuwa rin ng young actor na romantic-comedy naman ang tema nito.

“Dito sa That’s My Amboy, it’s really light, it’s really kalog, really happy.

“Si Barbie talaga yung nagsisimula ng mga kulitan, and pag yung grupo yung daldalan.

“So, I’m really thankful to work with her again. She’s very happy to be with and super fun po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN