Andre Paras sets aside basketball to focus on showbiz career

Andre Paras on being single: "I'm really happy dahil, you know, love ko rin ang showbiz. So, parang ginawa ko na ring relationship [ang pag-aartista ko]… and I'm doing everything just for it, sleeping late, waking up early and going home late. You know, just to do this job that I really love."


Iniwan ni Andre Paras ang isa pa niyang mahal niyang gawin, ang paglalaro ng basketball at pagiging varsity player, upang mag-focus sa kanyang showbiz career.

Ito kasi ang napagkasunduan nila ng kanyang amang si Benjie Paras. Ikinalungkot ba niya ito?

Ayon kay Andre, “Of course, nalungkot po ako nung nalaman ako I have to give up basketball.

“It’s something I loved, I’ve been doing it since I’m six years old.

“Pero of course, I also love this [acting].

“I love to entertain people, I love looking silly for people, I just love putting smile on people’s faces.

“And then just knowing na this is an effective way to entertain, I grabbed the opportunity to be here and kahit na mag-sleep late, I’ll do anything for the people basta ma-entertain ko sila.

“And that’s really important para sa akin.”

So, hinayaan na niya sa kapatid na si Kobe Paras ang pagba-basketball?

“Opo, and tanggap ko po. And I’m really full support sa kanya sa basketball.”

NO TIME FOR DATING. Si Kobe ay may girlfriend na ngayon at in love na in love ito. Masaya naman daw si Andre para sa kapatid niya.

Sabi niya, “I’m really proud of him kasi his girlfriend is there for him.

“Mabait yung girlfriend, parang inspiration niya.

“And whatever happens naman, Kobe is doing well sa basketball.”

Siya, kailan naman kaya magkaka-lovelife?

Sagot ni Andre, “Wala ngayon, I’m single right now.

“I’m really happy dahil, you know, love ko rin ang showbiz.

“So, parang ginawa ko na ring relationship [ang pag-aartista ko]… and I’m doing everything just for it, sleeping late, waking up early and going home late.

“You know, just to do this job that I really love.

“Even if people say that’s hard, hindi mo magagawa, of course, prove them wrong at the same time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yung pagod, parang nagiging happiness mo na rin kung iniisip mo what you love.

“You should love what you do.”

Wala pa siyang napupusuan sa ngayon?

“Wala naman po. As of now, I really don’t have time for social life.”

So, no time for dating also?

Sabi ni Andre, “No, I have no time to go out.

“I go out with friends, but I have no time to, you know, as one-on-one with a girl.

“Pero hopefully, kung mayroon. Pero as of now, wala.

“It’s always work and then sleep lang talaga.

“Pati nga yung gym and basketball, wala na talaga.

“Even family life, I don’t get to see my parents often anymore.

“Pero kahit pagod, masaya naman ako kasi nakaka-entertain ako ng maraming tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN