Cristine Reyes clueless about leading man Zanjoe Marudo's breakup with Bea Alonzo

Cristine Reyes on working with Zanjoe Marudo for the fourth time: "Parang for me, mas naging comfortable ako ngayon kay Zanjoe. Kasi before, parang nao-awkward ako pag kasama ko siya. Hindi kasi ako friendly [noon], hindi ko siya kinakausap. And tahimik din siya, pareho kaming tahimik. So, parang with this project, mas nagkaroon kami ng rapport."


Hindi raw aware si Cristine Reyes sa pinagdadaanan ngayon ng kanyang Tubig at Langis leading man na si Zanjoe Marudo kaugnay sa pakikipaghiwalay ng aktor sa girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Masyado raw abala ang aktres sa maraming bagay ngayon, lalo na nga’t nalalapit na ang kasal nila ng kanyang non-showbiz fiancé na si Ali Khatibi na gaganapin sa January 27 sa Balesin Island.

Pahayag ni Cristine, “I really don’t know.

“I have no idea because ang dami kong ginagawa lalo na may baby ako [Amarah], may wedding ako, at may bahay kaming ipinapagawa.

“So, wala akong masyadong news about it, and naririnig ko lang ngayon sa presscon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine sa presscon ng bagong panghapong teleserye ng ABS-CBN, ang Tubig at Langis, na ginanap ngayong tanghali, Enero 22, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Never bang nag-open up si Zanjoe kay Cristine?

Sabi ng aktres, “A, wala akong ano… kapag ako trabaho, trabaho lang tayo. And kung ano man yung personal natin, leave it.”

Anong klaseng kaibigan siya ngayon kay Zanjoe dahil sa pinagdadanaan ngayon ng aktor?

“How am I as a friend? I guess walang kuwentang friend!” biro ni Cristine.

“Because nga busy ako sa life ko ngayon. So, nandoon lang ako as a partner sa kanya sa show.

“I mean, wala kaming pinag-uusapan na anything about it because happy lang kami sa set, and as much as possible focus lang kami sa trabaho.”

Nakikita niya bang kinakaya naman ito ni Zanjoe?

“I guess.”

Ano na lang ang napapansin niya kay Zanjoe sa set?

“Meron akong na-notice kay Zanjoe, mas lumalim yung acting niya. Parang for me, mas real.”

TOGETHER AGAIN. Balik-tambalan nina Cristine at Zanjoe ang Tubig at Langis.

Pang-apat na nga raw nilang proyekto ito. Nauna rito ang TV shows na Precious Hearts Romances Presents: Kristine, Banana Split, at ang pelikulang Bromance: My Brother’s Romance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang balik-tambalan nila ni Zanjoe?

Sagot ni Cristine, “Parang for me, mas naging comfortable ako ngayon kay Zanjoe.

“Kasi before, parang nao-awkward ako pag kasama ko siya.

“Hindi kasi ako friendly [noon], hindi ko siya kinakausap.

“And tahimik din siya, pareho kaming tahimik.

“So, parang with this project, mas nagkaroon kami ng rapport.”

Hindi ba sila nag-effort maging close noon?

“Well, before pag nagkita kami sa labas, nagha-hang out lang.

“Tahimik lang kasi siya, hindi kami nagkakaroon ng chance mag-usap.”

Dito ba sa Tubig at Langis masasabi nilang naging close friends na sila?

“Oo naman,” sagot ni Cristine.

Noong malaman niyang si Zanjoe ulit ang makakatrabaho niya, ano ang naging reaksiyon ni Cristine?

“Natuwa po ako kasi, yun nga, maraming beses na po kaming nagkatrabaho and I know naman na before pa, wala naman kaming naging problema sa isa’t isa, so I’m happy.”

What’s the best thing about Zanjoe?

Ayon kay Cristine, “Kay Zanjoe, for me, very ano siya… generous.

“Kapag may mga eksena na kailangan ko ng time, ibinibigay niya iyon.

“Pag may mga eksena na kailangan ko siya, ibinibigay din niya iyon.

“So, very generous siya and I’m lucky na siya pa rin ang partner ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN