Cristine Reyes looks forward to her wedding next week

"Celebrities? Alam niyo naman ako, very private akong tao , so ang mga nandoon lang ay pamilya lang din," says Cristine Reyes when asked if there will be celebrities in her wedding next week.


Sa halip na kabahan, excited na raw si Cristine Reyes sa kasal nila ni Ali Khatibi sa Balesin sa January 27, Miyerkules.

"Actually, mas naglu-look forward ako," nakangiting sabi ni Cristine nang sandaling makausap siya ng ilang reporters matapos ang presscon proper ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Tubig at Langis, kaninang hapon, January 22.

Katulad ng kanyang naunang nasabi sa Kris TV, intimate pa rin ang magiging kasal nila ni Ali.

Katuwiran niya, "Stress yung big wedding kasi, e.

"For me kasi, since parehong ang dami naming ginagawa ni Ali—pareho kaming nagwu-work, pareho kaming nagpapagawa ng bahay, pareho kaming may baby—so sabi namin, it's better to do an intimate wedding."

Kung sakali, magkakaroon din ba sila ng kasal sa Manila?

"Possible na magkaroon din sa Manila pero hindi pa namin yun pinaplano," maiksing sagot ni Cristine.

Ang pribadong okasyon ay dadaluhan lamang umano ng kanyang pamilya.

Nang tanungin kung may invited na kaibigang artista, sagot ni Cristine, "Celebrities? Alam niyo naman ako, very private akong tao, so ang mga nandoon lang ay pamilya lang din."

Inanunsiyo ni Cristine ang engagement nila ni Ali noong September 9.

Isinilang ni Cristine ang kanilang anak na si Amarah noong February 8, 2014.

Read: Cristine Reyes and fiancé Ali Khatibi to wed in Balesin in January


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN