Nadine Lustre quashes tweets hinting real-life romance with James Reid

Pinabulaanan ni Nadine Lustre ang kumakalat na balitang sila na diumano ng ka-love team na si James Reid. Ayaw raw niyang magbigay ng false hopes sa fans nilang tinaguriang JaDine.


Noong Huwebes, January 21, paisa-isang nag-tweet ang ABS-CBN publicist na si Eric John Salut ng tungkol sa isang bagong magkarelasyon daw. Yung iba niyang tweets ay binabanggit ang magka-love team na sina Nadine Lustre at James Reid.

Ikinakilig naman ito ng maraming JaDine fans na matagal nang umaasang magkatuluyan ang dalawa sa totoong buhay, labas sa kanilang mga karakter na ginampanan sa On The Wings Of Love o OTWOL.

Narito ang sunud-sunod na tweets ni Eric John:

“WE DON’T WANT THE FANS TO EXPECT…” Nakarating din sa OTWOL female lead star ang balita. Kaya naman tinanong niya kay Eric John kung sino ang source nito tungkol sa balita.

Si Eric John na rin mismo ang naglinaw nito sa pamamagitan pa rin ng Twitter.

Dagdag pa ng dalaga, "We dont want to post anything about it because we dont want you to look bad or we dont want the fans to think that youre making it up lang po. @hellobangsie

"We dont want to disappoint them po, and its kind of putting us in a difficult situation. Me and James are still friends, nothing has changed po." @hellobangsie

PR MAN APOLOGIZES. Matapos ang paglilinaw ni Nadine na magkaibigan lang talaga sila ni James, kaagad na humingi ng paumanhin si Eric John kay Nadine, James, at sa JaDine fans.

Ani Eric John, "I respect you, @hellobangsie dahil mabuti kang anak, respectful at disenteng babae. And you deserve the privacy that you want. I wish you happiness"

Samantala, sinabi rin ni Nadine sa February issue ng YES! Magazine kung saan sila ni James ang cover, na magkaibigan lang talaga sila ng kanyang ka-love team ngunit may chance naman daw na magkaroon sila ng relasyon kapag ipinagkaloob ng tadhana.

Read: Nadine Lustre on possible romance with James Reid: "May chance naman po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN