Pauleen Luna to soon-to-be-husband Vic Sotto: "I can't wait to be your wife."

Naging emosyunal si Pauleen Luna sa kanyang mensahe sa mga kasama sa programang Eat Bulaga. Labis din siyang nagpapasalamat sa show dahil dito niya nakilala ang kanyang magiging asawang si Vic Sotto.


Nagdaos ng pre-wedding celebration ang Eat Bulaga para kay Vic Sotto at Pauleen Luna kaninang tanghali, January 23. Sa susunod na Sabado, January 30, na ang big day para sa dalawa.

Madamdamin ang mensahe ng soon-to-be-bride na si Pauleen para sa kanyang magiging “Bosing” sa totoong buhay. Kilala sa showbiz si Vic sa tawag na "Bosing."

Sabi ng actress-TV host, “I just wanna thank you for taking this journey with me.

“I can’t wait to be your wife. And I love you very much.”

Sa panig naman ni Vic, sabi nito na marami raw siyang dapat sabihin pero tatlong salita na lang daw ang kanyang babanggitin at nandun na raw lahat.

Aniya, “I love you.”


MESSAGE FROM MOMMY CHAT. Nagpaabot din ng mensahe ang ina ni Pauleen na si Mommy Chat via recorded phonepatch.

Sinabi nito na ang paparating na kasal ng anak kay Vic ay blessing galing sa Panginoon.

“Now, the only thing that I can say is galing lahat ng blessings na ito kay Lord. I prayed so hard… na ilagay ka niya kung saan ka masaya, Pauleen.

“So, what can I say? Best wishes on your journey as a wife to a great man, Vic.

“My daughter Pauleen, sobrang love ka namin and you know that. And nabuhay ang pamilya natin sa pagmamahal. So, sa next chapter ng buhay niyo, sana ganun din.

“Mabuhay ang pagmamahalan niyo ni Vic at sa magiging anak niyo.”


THANKFUL TO EAT BULAGA. Sa isang bahagi ng programa, nagpaabot din ng mensahe si Pauleen sa kanyang naging tahanan tuwing tanghalian sa loob ng maraming taon.

Sabi niya, “Gusto ko pong magpasalamat sa Eat Bulaga, dahil of course, dahil sa Eat Bulaga, na-meet ko si Vic.

“Gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng mga kaibigan ko na kasama ko sa buong journey.”

Kasunod nito ang pagiging emosyunal na ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy niya, “Hindi siya talaga ganun kadali. But, the biggest thanks goes to our God, kasi binigyan talaga niya ako ng strength, humility, and selflessness.

"At, ngayon alam ko na talaga na mahal na mahal ako ng Diyos.

“Thank you, everyone.”

Pagkatapos ng programa, nag-post muli ng kanyang mensahe ng pasasalamat si Pauleen sa kanyang Instagram.

Sabi nito, “Our hearts are overflowing with joy! Thank you to all the well wishers! We are so excited to take our relationship a notch higher! Salamat sa lahat ng Dabarkads, sa suporta. And thank you Eat Bulaga for making this day so special for us! We will never forget! Thank you! [heart emoji] 1 week to go! [happy girl emoji]”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN