Jinkee Pacquiao happy about Pacman's retirement disclosure

Jinkee Pacquiao on Pacman's plan to retire after Bradley rematch: "I was really surprised when he said in his presscon in L.A. He didn't tell me about it. But I'm happy that he finally decided to retire. It's what we've been waiting for."


Unang natuwa sa desisyon ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na magreretiro na ito sa boxing ay ang misis nitong si Jinkee Pacquiao.

Isasabit na nga ni Pacman ang boxing gloves pagkatapos ng ikatlong laban nito kay American boxer Timothy Bradley sa April 9, 2016 sa Las Vegas, Nevada.

Kasama si Jinkee sa naganap na press tour ni Manny sa New York City para sa laban nito kay Bradley.

Nakapanayam ng ilang foreign media si Jinkee sa naganap na press conference ni Pacman sa Madison Square Garden noong nakaraang January 21.

Tinanong siya kung ano ang reaksyon niya sa naging desisyon ni Manny na magretiro na sa boxing?

“I was really surprised when he said in his presscon in L.A.

“He didn’t tell me about it. But I’m happy that he finally decided to retire.

“It’s what we have been waiting for,” pahayag pa ng Saranggani Province vice governor.


KIDS' REACTIONS. Natuwa rin daw ang kanilang mga anak sa magandang balitang ito ng kanilang daddy.

“Masaya, lalo na yung mga babae, ewan ko lang yung mga lalaki. Parang wala lang sa kanila.

“I will continue praying that he never returns to fight again,” dagdag pa niya.

Kung matatandaan ay noon pa hiling ni Jinkee na magretiro na sa boksing si Manny.


FOCUS ON POLITICAL CAREER. Gusto niyang pagtuunan na lang ng pansin ni Manny ang kanilang mga anak at ang political career nito.

Tatakbo si Manny--na sa kasalukuyan ay Saranggani Province congressman--bilang senador sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.

“Magagampanan na niya yung responsibilidad niya at wala nang masasabi yung ibang tao sa laging pag-a-absent niya sa Congress.

“Wala na sigurong magiging issue.

“Wala na masasabi ang tao. Full time na siya sa politics,” diin pa ni Jinkee.


LEGACY. Sa higit na 20 years na nakipaglaban si Pacman sa iba’t ibang mga sikat na boksingero sa buong mundo, nakilala ito bilang nag-iisang eight-division world champion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ring naging fans si Manny na mga Hollywood celebrities at athletes, kabilang na rito sina Mark Wahlberg at Paris Hilton.

Marami rin daw mami-miss si Jinkee kapag nagretiro na si Manny sa boxing.

Aniya, “Siguro mami-miss namin yung pagpunta sa Las Vegas para panoorin siyang lumaban.

“Next time na pupunta kami doon, magbabakasyon na lang kami ng buong pamilya.”

Sa farewell fight ni Manny, hangad pa rin ni Jinkee na manalo ito para sa huling pagkakataon.

“Of course, I would like him to win. But he must concentrate on his training,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN