Yassi Pressman recounts first onscreen kiss with loveteam partner Andre Paras

Yassi Pressman narrates how she and loveteam partner Andre Paras prepared for their first onscreen kiss in movie, Girlfriend for Hire: "Prepare? Wala po kaming preparation. Parang ano, 'Okey? Game!'"

 


Ang unang onscreen kiss ng "YanDre" loveteam ay mapapanood sa pelikulang Girlfriend for Hire ng Viva Films, kaya marami ang curious malaman kung paano nag-prepare sa nasabing eksena sina Yassi Pressman at Andre Paras.

Bungad ni Yassi, “Prepare? Wala po kaming preparation.

“Parang ano, 'Okey? Game!'

“Tapos, parang nagka-ilangan na parang, 'O, saang side ka?' Ganyan.

“Tapos, parang sinubukan namin kung saang side, pero parang hindi namin maplano nang maayos.

“Kaya sabi namin, 'Bahala na.'

“Tapos, nung napanood namin, parang nagtatanong kami kung okey na ba.

“Kinikilig naman sila, so parang okey na yun.”

Lakasan na lang daw ng loob ang nangyari dahil kailangan naman daw ito sa eksena.

Aniya, “Oo, lalo na't hindi naman talaga ako pala-kiss na tao.

“Nangyayari naman talaga 'yan sa boyfriend-girlfriend. Iba naman yung sa family.

“So, parang ikaw, mahalikan ka, okey.

“Parang ang laking boundary na ang binababa mo."

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi sa presscon ng Girlfriend For Hire sa Music Hall, sa Metrowalk, Ortigas Center, kahapon, January 22.

PREPARING FOR KISSING SCENE. Naramdaman ba niya kung sineryoso ni Andre ang paghalik nito sa kanya?

Napapangiting sagot ng Viva star, “Sineryoso niya po, sigurado ako dun.

“Hindi naman ako na-off.

“Kasi, nakakatuwa naman kasi yung way niya na mag-express.

“Hindi kasi siya yung nakakabastos na parang, 'Yes, ang sarap nung kiss, isa pa!'

“Parang matatawa ka, kasi alam mong serious siya, pero ayaw din naman niya na maka-offend.

“Ayaw niya, ever, na may mabastos.

“Lagi siyang nagpapatawa.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa nasabing kiss?

Ani Yassi, “Tawa lang ako nang tawa.

“Kasi yung buong time, parang, 'Guys, tama na, guys.'

“Tawa lang ako nang tawa.

“Tapos, bago mag-three-two-one, tumatawa pa kami, tapos biglang...” sabay muwestra niya sa kanilang ginawa.

“Parang ganun, and for the scene, parang hindi kami sobrang seryoso, and nagsusuntukan pa kami before the scene.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FROM REEL TO REAL? Dahil nga sa kanilang loveteam, marami ang nagtatanong kung may pressure ba sa kanila na maging sila sa totoong buhay.

Saad ng actress-TV host, “A, oo. Kasi meron silang laging 'Team Reel, Team Real.'

“Gusto nila lagi na may label kami, kasi nga naman, iba talaga yung may label.

“Kaya lang, sa amin, okey naman sa amin kung ano kami, masaya naman kami kung ano kami with each other.

“So, parang hindi naman namin kailagan na parang anniversary date.

“Kumbaga, masaya kami together.”

Dahil launching movie nga nila ito as a loveteam, hudyat na ba ito na nakahanda na silang makipag-compete sa more established love teams katulad ng KathNiel, JaDine, LizQuen, at AlDub?

Sagot ni Yassi, “Well, hindi pa.

“Grabe naman na sila, and like kami, isa kami sa mga sumusuporta lalo na sa JaDine.

“And si Alden [Richards], we're super close sa GMA pa, and it's been so long.

“Sobrang proud ako sa kanya, grabe!

“But, if kung in competition kami, siguro mas ano yung sa amin.

“Well, oo, kasi andun din naman lahat ng love team.

“Pero iba na talaga yung level nila.

“So, hindi namin maki-claim na, 'O, pantay-pantay na tayo.'

“Hindi naman din kami ganun, kasi para sa amin, yung movie na ito, maganda, pinaghirapan namin, and we're super-proud na sana magustuhan niyo.

“At kapag tinanggap, it's amazing, ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN