Barbie Forteza not threatened or jealous of Yandre loveteam: "It's none of my business."

Barbie Forteza doesn't mind that her loveteam partner Andre Paras is enjoying the success of his other loveteam with Yassi Pressman: "Loveteam lang naman. Baka naman sabihin niya, pakialamera ako kung tsikahin ko rin pati yung iba niyang career, di ba?"


Sobrang saya ni Barbie Forteza nang malaman niyang ikinumpara siya kay Judy Ann Santos ng batikang direktor na si Binibining Joyce Bernal.

Nakakatuwa nang sobra-sobra dahil batikang direktor na po talaga si Binibini, tapos ngayon ko lang nalaman...

Actually, ngayon lang talaga, na ganun yung tingin niya sa akin...

Nakaka-pressure tuloy, dahil alam naman nating lahat na sobra-sobrang galing ni Ms. Judy Ann Santos.

So, parang hindi siya makatotohanan for me, kasi parang ang layo...

As in sobrang-sobrang layo talaga, pero I will do my very best para ma-maintain ko yung ganung vision sa akin ni Direk Joyce,” reaksyon ni Barbie sa pagkukumpara ng lady director.

Hindi pa raw sila nagkasama sa trabaho, pero nagkita na raw sila nang personal ni Judy Ann sa Eat Bulaga.

Nakapagpalitrato na raw si Barbie dito noong minsang nag-guest siya at tiyempo namang dinalaw ni Judy Ann sa Eat Bulaga ang mister nitong si Ryan Agoncillo.

Gusto ba ni Barbie na maging the next Judy Ann Santos?

Sagot niya, “Sino po'ng hindi? Dyusko, grabe naman!”

Si Binibining Joyce ang direktor ng That’s My Amboy, ang bagong show ng GMA na pinagbibidahan nina Barbie at Andre Paras na eere na bukas, January 25.

SUCCESSFUL LOVE TEAM. Matapos ang matagumpay na The Half Sisters ay sina Barbie at Andre Paras muli ang magkapareha sa telebisyon.

Tinatangkilik ng publiko ang tandem nila kahit na sa tunay na buhay ay wala silang relasyon.

Mas nagwu-work ba para sa kanila ang ganoon?

Sa ngayon po, sobrang klik kami ni Andre,” ngiti niya.

FROM REEL PARTNERS TO REAL?May nagtanong kung wala ba siyang nararamdaman para kay Andre. Posible kayang magkaroon siya ng malisya para kay Andre?

Pagpuri niya sa co-star, “Aminin naman po natin na napakaguwapo naman po ng lalaking yun, no doubt naman po about that.

Mabait, mabango, hindi mayabang, napaka-professional, magaling.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So may malisya ba siya kay Andre?

Puwedeng paghanga lang muna, puwedeng huwag munang malisya?

Puwedeng pag twenty-two na ako?” natatawang sambit ng eighteen-year old Kapuso actress.

May kilig! Sige, yun na lang.”

Kung sakaling ligawan siya ni Andre, may chance ba na sasagutin niya ito?

Kailangan pa ba naming dumaan sa ligawan stage?

Ibig kong sabihin, sa sitwasyon namin ngayon, parang hindi naman niya ako liligawan kasi,” pagklaro niya.

Dahil?

Patuloy niya, “Hindi ko alam, hindi ko alam.

Hindi siguro, kasi, parehas pa rin naming ine-enjoy na kung anuman ang meron kami.

Parang medyo comfort zone namin ang isa’t isa, na ayaw pa namin siguro magbago pa yung trato namin sa isa’t isa.

Na okay pa kami sa ganitong stage.”

Pero if ever mang magkagusto sa kanya si Andre, hindi na nito kailangang manligaw?

Mabilis niyang sagot, “Hindi na.”

Sila na agad?

Hindi! Wait, wait. Wait, wait, I need a moment, I’m thinking, ‘noh,” at tumawa muli si Barbie.

Nakausap ng PEP.ph si Barbie nitong Huwebes, January 21, sa GMA Network Center, sa presscon ng That’s My Amboy.

NOT JEALOUS OF YASSI. Samantala, hindi raw naiilang si Barbie na bukod sa kanya ay may iba pang ka-loveteam si Andre. Kabilang na rito si Yassi Pressman na madalas ipareha sa kanya sa pelikula.

Okay lang daw kay Barbie yon.

Well, it’s none of my business.

Loveteam lang naman. Baka naman sabihin niya, pakialamera ako kung tsikahin ko rin pati yung iba niyang career, di ba?”

Sa ngayon, kontento na raw si Barbie na pang-telebisyon sila ni Andre, at pampelikula naman ang tambalan nila ni Yassi.

Kung dumating ang panahong magkaroon ng relasyon sina Andre at Yassi, masasaktan ba si Barbie?

Alam niyo yung mga questions niyo pang-mamayang gabi pa dapat 'yan e,” at tumawa muli si Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasaktan ba siya, kung sakali lang naman?

Seryoso niyang pag-amin, “Oo. Mahe-hurt naman ako.

Hindi, kasi siyempre, parang… mahe-hurt ako in a way na magiging masaya rin ako for the both of them, dahil parehas ko naman silang kaibigan.

Matagal ko na ring kaibigan si Yassi.

Iyon.”

Gaganap sa That’s My Amboy sina Barbie bilang Maria Rosario “Maru” Carreon at Andre bilang si Bryan Ford.

Nasa cast din sina Tonton Gutierrez as Albert Romero; John Arcilla as Joselito ''Lito'' Tapang; Donita Rose as Cecille Carreon Tapang; Kiko Estrada bilang si Patrick Almeda; Jazz Ocampo as Trina Dominguez; Matet de Leon as Yaya Yolly; Meryll Soriano as Divine; Maritoni Fernandez as Alice Ford; Jerald Napoles as Tope; Pam Prinster as Miley; Jan Manual as Simon; Philip Lazaro as PR; Pauline Mendoza as Maria Carmela ''Maricar'' Tapang; Kryshee Grengia as Maria Theresa ''Mayte'' Tapang; at si Rob Walcher as Donald Ford.

Ipapalabas na ang That’s My Amboy bukas, January 25, pagkatapos ng Little Nanay sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN