Kiko Estrada admits feelings for former loveteam partner Kim Rodriguez

Has Kiko Estrada bared his heart to former loveteam partner Kim Rodriguez? He says, "Ako may aaminin ako, na mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko alam... pero you know, I don't know…"


Tinanong namin si Kiko Estrada kung ano ang masasabi niya na tila binubuwag na ang tambalan nila ni Kim Rodriguez.

Hindi na kasi sila magkasama sa That’s My Amboy na bagong show ng GMA-7 kunsaan gaganap siya bilang si Patrick Almeda.

Bida sa That’s My Amboy sina Barbie Forteza bilang Maria Rosario “Maru” Carreon at Andre Paras bilang si Bryan Ford.

Sina Kiko at Kim ay huling nagkasama sa My Mother’s Secret last year.

Sabi niya, “Actually, I don’t know why, but after My Mother’s Secret, me and Kim, we’re not together na.”

Break na sila ni Kim?

Mabilis niyang tanggi, “No, no, no. Not together as a loveteam. so parang nagulat kaming dalawa.

“I love her to death.”

Sila pa rin ba?

Ani Kiko, “Of course. She’s my girl!”

First time yata umamin ni Kiko na may relasyon nga sila ni Kim?

“No, no, she’s my girl, I mean you know, if anyone asks me, ‘Who do you wanna work with?’ ‘Kim Rodriguez, she’s my girl.’

“That means, ‘Sino ang gusto mong maka-loveteam?’ ‘Kim’s my girl, Kim’s my number one choice, for everything,” giit niya.

Sa personal?

Sabi pa ni Kiko, “She’s my most favourite person I wanna be with.”

So ano ba ang status nila ngayon; nagliligawan pa rin?

Ani Kiko, “You tell her that, I want her to answer me already!”

So nililigawan pa rin niya si Kim?

“Well, you know, ask her to say yes to me,” natatawa pa nitong saad.

May mga naniniwalang may relasyon na sila pero ayaw lang nilang umamin.

May aaminin ba sila?

“Ako may aaminin ako, na mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko alam... pero you know, I don’t know…”

Hindi raw niya alam kung ano ang damdamin ni Kim para sa kanya dahil hindi pa siya sinasagot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko kahapon, January 21, sa GMA Network Center, sa presscon ng That’s My Amboy.

Ang That’s My Amboy ay sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal with guest director Dominic Zapata.

Nasa cast rin sina Tonton Gutierrez as Albert Romero; John Arcilla as Joselito ''Lito'' Tapang; Donita Rose as Cecille Carreon Tapang; Jazz Ocampo as Trina Dominguez; Matet de Leon as Yaya Yolly; Meryll Soriano as Divine; Maritoni Fernandez as Alice Ford; Jerald Napoles as Tope; Pam Prinster as Miley; Jan Manual as Simon; Philip Lazaro as PR; Pauline Mendoza as Maria Carmela ''Maricar'' Tapang; Kryshee Grengia as Maria Theresa ''Mayte'' Tapang; at si Rob Walcher as Donald Ford

Ipapalabas na ang That’s My Amboy bukas, Lunes, January 25, pagkatapos ng Little Nanay sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN