Loveless Pia Wurtzbach proud member of "Team Sawi"

Who is the lucky guy who has captured Miss Universe 2015's heart?  "This is my boyfriend for now," teases Pia Alonzo Wurtzbach while holding her Miss Universe crown.


Nagkita na ang matalik na magkaibigang sina Pia Wurtzbach at Pauleen Luna.

Sa homecoming press conference na inihanda ng Binibining Pilipinas Organization para sa Miss Universe 2015 winner kanina, January 24, ikinuwento niya na binisita na siya ni Pauleen sa kanyang kasalukuyang tinutuluyan sa Quezon City kahapon, January 23.

“I was with her in my room last night. We were chatting away, talking about her wedding, talking about her outfit. Nagkukwentuhan lang kami, tawanan,” masayang kuwento ni Pia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng media.

Gayunpaman, hindi na nagbigay ng anumang detalye ang Pinay beauty queen tungkol sa nalalapit na kasal ni Pauleen sa kapwa Eat Bulaga host niya na si Vic Sotto.

Aniya, “With respect to her, she should be the one to reveal the things about her wedding. But we’re very excited. That’s gonna be her day.”

Dagdag pa ng ang ikatlong Pinay Miss Universe, “Ang saya lang na we got that 'happily ever after' that we both wanted, for her and for me.”

Hindi naman sinabi ni Pia kung makakadalo siya sa kasal ng kanyang kaibigan.

Pero ayon sa ulat ni Lhar Santiago kamakailan, sinabi umano ni Binibining Pilipinas chairperson Stella Marquez-Araneta na pinayagan ng Miss Universe organization si Pia na manatili ng ilang araw pa sa bansa para makadalo sa kasalang Pauleen at Vic.

“They are going to allow her to stay a little longer. She’s supposed to leave on the 29, but Pia has requested Ms. Universe for [a] few more days so she can settle her apartment here, her things, and go to a wedding of one of her close friends,” sabi pa ng dating beauty queen.

"TEAM SAWI." Samantala, nilinaw naman ni Pia na hanggang ngayon ay single pa rin siya.

“I don’t have a boyfriend. I didn’t have a boyfriend during the competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although, I thought I was seeing somebody, but it turned it out I wasn’t,” natatawang pag-amin niya.

Dagdag na biro pa niya, “Tingnan mo, kahit na Miss Universe ka, puwede ka pa rin maging sawi. Hashtag Team Sawi!”

Wala naman daw problema tungkol dito dahil, aniya, mas gusto niya munang mag-focus sa mga resposibilidad niya bilang Miss Universe.

Sabi niya, “That’s okay. I wanna focus on the organization.

“The thing with me is when I fall in love, you know, I tend to give it everything. But we don’t want that.”

Sa huli, hinawakan ni Pia ang kanyang Miss Universe crown at sinabing, “This is my boyfriend for now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN