Isabelle Daza says she's ready to settle down: "Pine-pressure ko na nga ang boyfriend ko."

It's Isabelle Daza's luck that when she and Gerald Anderson were doing Nathaniel, the actor and Maja Salvador broke up. Now, she and Zanjoe Marudo are in the same project, and it has happened again. Zanjoe and Bea Alonzo split up. Isabelle gamely comments, "Oo nga, ako ba?"


Magkasama sina Isabelle Daza at Cristine Reyes sa bagong afternoon soap ng ABS-CBN na Tubig at Langis.

Dahil malapit nang ikasal si Cristine sa boyfriend nitong si Ali Khatibi, naitanong din kay Isabelle kung kailan naman sila magpapakasal sa French boyfriend niyang si Adrien Semblat.

Nakangiting sagot ni Isabelle, "Oo nga e, pine-pressure ko na nga ang boyfriend ko, e.”
 
Seryoso?
 
“Oo!” natawang biro niya sa presscon ng Tubig at Langis noong Biyernes, January 22.
 
Niyaya na niyang magpakasal ang kanyang boyfriend?
 
“Hindi, hindi ako nagyayaya, pero I think I’m ready.

“I don’t have to put naman my career that being single or being married will change.”
 

Z GRAVITY. Kinamusta rin kay Isabelle ang leading man nila ni Cristine sa teleserye na si Zanjoe Marudo, na kahihiwalay lang sa girlfriend nitong si Bea Alonzo.
 
Aniya, “Okey naman. Si Z, kilala ko siya noon pa, bago pa siya nag-artista.

"Like, we hang out, matagal ko na siyang friend.
 
“He’s very professional and hindi ko naman tinatanong or anything, wala nga akong alam.

“At saka very professional naman kami sa set, I don’t ask any questions.”
 
Nakikita ba niya itong malungkot?
 
“Hindi nga, e, palaging tawa nang tawa ‘yang sina Archie [Alemania] at saka si Z,” sagot ni Isabelle.
 
Natawa naman si Isabelle nang may magpaalala sa kanyang noong ginawa niya ang teleseryeng Nathaniel, kabi-break noon nina Gerald Anderson at Maja Salvador.

At ngayon namang malapit nang magsimula ang Tubig at Langis, sina Zanjoe at Bea naman ang nag-break.
 
“Oo nga, ako ba?” natawa niyang sabi. “No naman.

“Bea is very kind to me. I know Z also, wala naman.”
 
Masasabi niya bang magkaibigan pa rin sina Zanjoe at Bea?
 
“I have no idea. I only knew now, dahil sa inyo, seryoso,” diin ni Isabelle.

DIFFERENT ROLE. Samantala, pinaka-challenging teleserye raw para kay Isabelle ang Tubig at Langis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pliwanag niya, "Kasi, lahat ng linya ko rito, Tagalog.

“Marunong naman akong mag-Tagalog, pero iba kapag teleserye.

“Dapat ang pagsabi mo, mas poetic, hindi naman yung nagtsi-chikahan lang tayo.
 
“Siyempre, kailangan kong maging probinsiyana at nahihirapan din akong gawin yun.”
 
Iba raw ito sa mga karakter na ginawa niya.

“Kailangan kong maging sexy pero hindi sobra.

“Dalagang probinsyana na makakapang-akit sa puso ni Natoy [Zanjoe].”

Hindi pa raw niya alam kung lalabas na kontrabida ang karakter niya.
 
“Parang hindi kasi may mga sitwasyon din na papunta si Natoy sa akin.
 
“Hindi naman overstepping sa buhay ni Irene [Cristine] kasi hindi rin niya alam.
 
“Parang inosente, pero sexy.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN