Ehra Madrigal engaged to Filipino-Chinese businessman Tom Yeung

by Arniel C. Serato
Jan 25, 2016
Nakatakda nang ikasal ang 30-year-old actress na si Ehra Madrigal sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Tom Yeung. Sa Dubai nag-propose ang Chinese businessman kay Ehra at mangiyak-ngiyak pa ang huli nang pumayag na itong maging soon-to-be Mrs. Tom Yeung.

Engaged na ang sexy actress na si Ehra Madrigal sa Filipino-Chinese businessman boyfriend nitong si Tom Yeung.

Naganap ang sorpresang engagement proposal ni Tom kay Ehra sa Dubai nitong Linggo ng gabi, January 24, habang nasa business cum vacation trip ang mga ito kasama ang ilang kaibigan.

Ayon sa Instagram post ni Tim Yap, habang namamasyal daw sila sa Arabian desert ay bigla na lamang lumuhod si Tom at nag-propose kay Ehra.

“So this happened last night in the middle of the Arabian desert: @tomyeung_ got down on his knees and asked @iamehramadrigal to marry him. Happy to be an accomplice to this engagement. Congratulations Tom and Ehra!!!!”

#TNEADVENTURES. Sa Instagram posts ni Tom, marami silang mga bakasyon abroad na magkasama.

Gamit niya lagi sa kanyang posts ang #TnEAdventures (Tom and Ehra).

Narito ang ilan sa kanilang sweet moments together:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Isa sa mga negosyo ng pamilya nina Tom ay ang Katinko ointment.

Si Ehra ay nakatatandang kapatid ni Michelle Madrigal.

Read Next
Read More Stories About
Dubai
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakda nang ikasal ang 30-year-old actress na si Ehra Madrigal sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Tom Yeung. Sa Dubai nag-propose ang Chinese businessman kay Ehra at mangiyak-ngiyak pa ang huli nang pumayag na itong maging soon-to-be Mrs. Tom Yeung.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results