Jiro Manio is out of rehab; Ai-Ai delas Alas welcomes "anak-anakan"

Matapos ang halos anim na buwang gamutan, nakalabas na ang 23-year-old actor na si Jiro Manio mula sa rehab. Kaagad namang nag-post sa Instagram ang tumatayo niyang ina na si Ai-Ai delas Alas ng larawan niya kasama ang dating child actor.


Nakalabas na mula sa rehab ang aktor na si Jiro Manio.

Ito ang inanunsiyo ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram account ngayong araw, January 26.

Kalakip ng post ng Sunday Pinasaya star ang larawan nila ng dating child star, kasama ang mga anak na sina Sancho at Sophia.

Sabi ni Ai-Ai sa caption: “Welcome back anak ... We are family wohoooooo!!!! #jiroshome

Makikita naman sa larawan na medyo nananaba si Jiro.

 

Sa Instagram post naman ni Sancho, tinawag niya si Jiro na "kapatid."

Nakasulat sa kanyang post: "Welcome home kapatid! #jiroshome ??????? #jiromanio"

Welcome home kapatid! #jiroshome ??????? #jiromanio

A photo posted by Sancho Vito De las Alas (@sanchovito) on

Tila at home na rin si Jiro kapiling ng pamilya ni Ai-Ai.

ROAD TO RECOVERY. Hulyo ng taong 2015 nang natagpuang pakalat-kalat si Jiro sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Nakarating kay Ai-Ai ang naturang balita at kaagad naman siyang nakipagkita sa gumanap na isa sa mga anak niya sa film franchise na Ang Tanging Ina Mo.

Mula noon, nangako na ang CelebriTV host na tutulungan niya si Jiro sa pagpapagamot dito at hanggang sa makabangon sa kinasasadlakang sitwasyon.

Sa edad na 12, nakatanggap ng apat na Best Actor awards si Jiro; tatlo mula rito ay mula sa pelikulang Magnifico (2004).

Taong 2011 unang na-rehab si Jiro dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.


Read: (UPDATED) Former child actor Jiro Manio found wandering at NAIA Terminal 3


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN