Philippine basketball legend Caloy Loyzaga dies at 85

Binawian ng buhay ang legendary basketball player na si Caloy Loyzaga nitong Miyerkules ng umaga, January 27, sa Cardinal Santos Medical Center. Siya ay 85 taong gulang.


Pumanaw na ang Philippine basketball legend na si Caloy Loyzaga sa edad na 85.

Binawian ng buhay si Caloy nitong Miyerkules ng umaga, January 27, sa Cardinal Santos Medical Center.

Sumikat nang husto ang pangalan ni Caloy Loyzaga noong dekada '50 at '60, na itinuturing na golden years ng Philippine basketball, nang pangunahan niya ang kopokonan ng Pilipinas na masungkit ang apat na magkakasunod na Asian Games gold medal (1951-1962) at makaabot sa Olympics ng magkasunod na edisyon (1952 at 1956).

Kilala sa moniker na "The Big Difference," pinangunahan din niya ang mga Pilipinong manlalaro para sa bronze-medal finish sa 1954 FIBA World Championship.

Si Caloy ay ang ama ng dating PBA players na sina Chito at Joey Loyzaga, na parehong naglaro para sa sikat na koponan ng Ginebra, at ang mga aktres na sina Teresa at Bing Loyzaga.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nagbigay-pugay si Teresa sa kanyang yumaong ama:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN