Vilma Santos recalls rough patch with son Luis Manzano

Vilma Santos has won best acting awards for her roles as a suffering mother, and she admits the stories do happen in real life such as her past troubles with her son Luis Manzano.


Hanggang ngayon ay pinupuri pa rin si Vilma Santos sa kanyang pagganap bilang ina na malayo sa kanyang mga anak sa ilang pelikula niya sa Star Cinema.

Kabilang na rito ang Anak (2000) na nagpanalo sa kanya ng maraming Best Actress awards.

Ayon kay Vilma, ang ilang mga eksena sa pelikulang iyon ay nangyayari talaga sa totoong buhay, maski sa kanila ng kanyang mga anak na si Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Pahayag ng Star For All Seasons, "Oo naman, oo naman.

"As a nanay, dinaraanan natin ang stage na 'yan.

"Kasi ang mga anak natin, nagbabago.

"Akala mo kapag one to four, okey; kapag four to ten, okey.

"Pagdating ng thirteen, umiiba sila; pagdating ng seventeen, nag-iiba sila.

"Alam nila Manay [Ethel Ramos] 'yan, noong time na may pinagdadaanan si Lucky [Luis]."

Sa parteng ito ay biglang naiba ang timpla ni Ate Vi habang kausap ang entertainment press.

"Ayoko 'o... ito yung medyo nagiging emotional.

"Kasi yung mga kaibigan kong matatagal na rito, one perfect example is si Manay Ethel.

"Noong time na nagloloko-loko yung anak kong si Lucky, hindi siya?

"Imbes na tirahin sa diyaryo, ito yung mga friends ko sa press,

"And si Manay, 'ung anak mo, nandirito. Walang sumusulat.'

"They're trying to help Lucky at that time.

"Instead na tirahin nang tirahin si Lucky, nagsusumbong sa akin, 'O, lasing dito yung anak mo.'

"So, ako, kinu-confront ko ang anak ko, 'Ano ang nangyayari sa 'yo? Bakit ganyan?

"'Ano ba, halos lahat nasa 'yo, nag-aaral ka sa magandang school.'

"Ang nakakagulat lang, I think si Lucky noon was eighteen, sasagutin ka ng anak mo, 'Because I don??t know what I want in life.'

"Yung mga ganun, hindi niya alam kung ano ang gusto niya sa buhay niya.

"Yun ang sinasabi ko na with Lucky, with Ryan now, may stages talaga na nanay ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIBERAL MOM. May rebellious side nga raw si Luis noon. Sumubok ba itong mag-drugs?

Tugon ni Vilma, "Hindi ko alam, pero dumaan siya na uminom, nagkaroon ng masamang barkada.

"But I am very proud, look at Lucky now; the good thing is, he was able to survive.

"Naka-guide lang kami, hindi naman namin siya kasama 24 oras, naka-guide lang kami.

"He was able to survive by himself, with guidance of the parents.

"I'm very proud of my son."

Liberal naman daw siyang nanay.

"I can be a friend, I can be barkada lang.

"Pero may mga oras na naging nanay ako sa kanila, kinu-confiscate ko sa kanila yung kanilang cellphone."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN