Donita Rose on working with ex-BF Gary Estrada's son Kiko: "It's weird, feeling ko matanda na ako."

Donita Rose looks back to her relationship with Gary Estrada without regret. "Puwede naming pagtawanang lahat, di ba?" Her reaction to the possibility of rekindling their past love team, "I'm sure, that would be fun."


Natutuwa si Donita Rose na ang isa sa kasama niya sa GMA primetime series na That's My Amboy ay ang 20-year-old Kapuso actor na si Kiko Estrada.

Si Kiko ay anak ng dating boyfriend ni Donita na si Gary Estrada sa dating aktres na si Cheska Diaz.

Kuwento ni Donita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "The first time na nakita ko, you know, di ako prepared.

"Yun yung Basta Everyday Happy, birthday ko yun.

"'Tapos in-intoduce ako... alam mo naman si Alessandra [De Rossi], beki magsalita.

"Sabi niya, 'Naku, Donita Rose, may ipapakilala ako sa iyo, anak ng boyfriend mo dati, si Kiko Estrada.'

"E, siyempre, di ko nasusubaybayan yung mga palabas, so di ko siya kilala.

"Nung unang tingin ko nga sa kanya, Gary Estrada.

"Sabi ko 'Oh, my God, di ako ready, di ako ready!' Gumaganun ako.

"Tawanan talaga sila dahil alam nila na anak ng dati ko."

PAST LOVE. Tuloy, muling nabuksan ang paghihiwalay nilang dalawa noon ni Gary, na ayon nga sa balita ay isang bad breakup.

Pag-amin ni Donita, "Sort of, pero ang tagal-tagal na noon.

"Ngayon, puwede na nating pagtawanan ang lahat, ganito talaga sa showbiz.

"But, no, I'm really happy for Berna [Bernadette Allyson] and Gary.

"We live in such a small world, and I'm happy for the both of them."

Patuloy pa niya, "Yung sa amin kasi noon, it's you and me against the world, e.

"Ayaw nung parents ko sa kanya nung bata ako.

"And [that time], mahalaga sa akin na makuha ko ang permission ng parents ko.

"Kaya hindi rin nag-work."

POSSIBLE LOVE TEAM? Nagkita na ba uli sila ni Gary after all these years?

Sabi ng Kapuso actress, "I remember, I'm hosting a marathon.

"Nandun ako sa startling line, parang nag-a-annotate ako.

“’Tapos biglang dumaan silang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Oh, ladies and gentlemen, ikatutuwa ko na ipakilala sa inyo, ang magka-love team ngayon, Mr. and Mrs. Gary Estrada.'

"Nagdyu-joke ako, at parang nahihiya sila. Nag-'Hi' naman sila na nangingiti.

“At nag-start na silang tumakbo."

Kung sakali, handa ba siyang ibalik ang love team nila noon, in the tradition of Dawn Zulueta and Richard Gomez?

Pahayag ni Donita, "E, kung okey din lang naman kay Bernadette, okey din lang naman sa akin.

"Kasi sa akin, past is past na yun, and wala naman akong sama ng loob kahit kanino.

“And, I'm sure, puwede naming pagtawanang lahat, di ba?

"May mga eksena noong panahon na nakakatawa, at puwede namang pagtawanan ngayon.

"I'm sure, that would be fun."

NEXT GENERATION. Alam daw pala ni Kiko ang nakaraan ni Donita sa ama niya.

Ayon sa 41-year-old actress/TV host, "Yeah,  sabi niya sa akin.

“Naikuwento raw sa kanya ng kanyang daddy, ‘You broke his heart.'

"Tawa lang siya nang tawa.

"Sabi ko, 'Naku, sabihin mo sa tatay mo, siya yung nag-break ng heart ko kasi babaero!’

"'Tapos, tawanan kami, pero joke-joke lang yun."

Masaya nga raw siya na nakilala niya si Kiko.

Sabi ni Donita,  "Sabi nga nila, all things work for the good.

"And I'm happy that Gary has a son, who's handsomer than he is, o, di ba?

"Now, yung anak niya ay nasa showbiz na.

“At least, makita mo talaga na may pinagmanahan ang batang ito.

"I feel it's weird, feeling ko matanda na ako.

“Ang anak niya ay nasa showbiz at kasama ko.

"Pero, at the same time, I feel na parang kasing-edad ko lang siya.

"Hindi ako makapaniwala na parang next generation yung kasama ko.

"So, it's weird, baka in denial pa rin ako na may edad na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN