Andre Paras says James Reid and Nadine Lustre remain the same despite their success

Andre Paras on how he handles criticisms: "I take it as motivation na rin, minsan may mga hinahanap sila sa akin, they expect. There are times din naman na the director or my acting coach, okey naman yun. Tinatanong ko rin, 'Okey na ba yun, Direk?' I'm sure naman they're not lying."


Sabay-sabay na inilunsad noong 2014 sina Andre Paras, Yassi Pressman, James Reid, at Nadine Lustre sa pamamagitan ng pelikulang Diary ng Panget.

Nakauungos man sina James at Nadine ngayon, nakikitang maganda rin ang nangyayari sa career kina Andre at Yassi.
 
Patunay nito ang pagtitiwala sa kanila ng Viva Films sa kanilang launching film bilang love team sa pelikulang Girlfriend for Hire.
 
Pahayag ni Andre tungkol dito, “I’m really thankful to VIVA also, yung Diary ng Panget was actually my first acting stint.

“I didn’t know how act noon kasi commercial lang ang alam ko.
 
“But when I went to the set, I think what helped was yung chemistry naming apat.

“Si Nadine, nakakasama ko dati sa commercial.

“Nakikita ko siya sa casting, kami-kami ang pumipila.
 
“Grabe yung Nadine, ikaw dati yung pumipila, hindi natatanggap, nalulungkot.”
 
Nagkikita pa rin daw sila nina James at Nadine at wala raw nakikitang pagbabago si Andre sa dalawa.
 
“We don’t talk about our success, we talk about life and it’s like we don’t want to put it on our head.

“Like James and Nadine, grabe, kapag magkakasama kami, wala, chill lang.

”It’s just amazing that they’re really down to earth pa rin.

“When I text them, reply agad or sorry late kasi or minsang nag-a-ask, magha-hang.

“So, we get to hang out pa rin.”

NO PRESSURE. Proven na ang JaDine pagdating sa box-office at TV ratings, may pressure ba kay Andre ngayong nagbibida na rin siya?

Maliban sa pelikulang Girlfriend For Hire, si Andre rin ang male lead sa bagong primetime series ng GMA Network na That's My Amboy kung saan kapareha niya si Barbie Forteza.
 
“No,” mabilis niyang sagot. “I don’t have pressure.

“I’m thankful that whatever happens, I’m here na rin, I’m given projects. 

“Wala namang pare-pareho, I believe that everybody is given their own time, their own break.

“In showbiz, you have your own time talaga.

“I’m not regretting anything. I’m just happy na ito ang ibinigay sa akin.”
 
Sila ni Yassi, walang ring pressure lalo’t posible silang makumpara sa JaDine?
 
Ayon kay Andre, “Well, I’m sure you, guys, would expect that, paano kaya ito? 

“Yun naman ang uso ngayon, compare.

“When people compare, they would look for something na mali.
 
“For me, it’s okay that you compare us with James and Nadine, wala naman sa amin yun.

“We’re old friends talaga.”
 
Handa na siya?
 
“I’m ready for anything.
 
“Noong bago pa lang ako, they say you’re not supposed to do this or that.

“I stopped it. I do my own thing.

“I’ll do what I do and you can do what you want to do naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN DEMAND. Isa nga si Andre sa pinaka-in demand young actor ngayon, mapa-telebisyon o pelikula man.

Ano ang reaksiyon niya rito?
 
Saad niya, “I’m just really happy.
 
“Dream ko talaga also is gaya dati, commercial-commercial.

“And now, being able to be on the big screen and also TV, I’m happy to give entertainment.
 
“My main goal talaga is, of course, do what I do, enjoy what I do.

“Masaya na akong napupuyat, kasi kung hindi ka masaya sa puyat, mag-i-interfere sa work.
 
“Kunwari, may mga eksena na ayoko na ‘tong gawin, antok na ako.

“Like, may nakikita akong gumaganung artista, 'Wow, I mean, ang layo ng pinuntahan niyo, woke up early for this, tapusin naman natin.'
 
“I don’t say I work with people like that, but I hear stories from people na may ganung artista talaga.

“I promise not to be like that kasi nandito na, e.
 
“Nandito na po ako sa point na I’m sleeping late and I’m still able to do work.

“So. masaya ako dahil nae-entertain ko ang mga tao, no matter what. 

“Kahit they don’t see yung hirap na ginagawa namin for them.”

NOT ATHLETIC. Paano naman ang paglalaro niya ng basketball?
 
Ayon kay Andre, “Well, basketball naman, well, I ‘ve accepted naman that I wasn’t that athletic.
 
“When I went to showbiz, yung mga tao naman ang nagsabing, ‘Okey naman na mag-showbiz siya, hindi naman siya magaling mag-basketball.’ 

“May ibang reporter nga na nagsabing, 'Mas mabuting nag-artista siya. Wala naman siyang maitutulong sa basketball.'
 
“I didn’t take it as negative stuff, I’m like, alam ko naman, bakit ako mao-offend? 

“But, of course, I like basketball pa rin.

"And when I went to showbiz naman, it’s more on, yes, I’m here to entertain, to make people happy.

“Yun naman kasi ang goal ko, not to be on TV at magagamit ko in the future.

“Or, hey, sikat ako, kilala niyo ba ako?

“Let me do this or that, it’s for entertaining people talaga.

“And masaya yung feeling na natatapos ko ang work ko and then, nae-air na siya sa TV.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FROM NEGATIVE TO POSITIVE. Kapag may nagsasabing kulang pa ang ipinapakita niya bilang artista, paano niya ito tinatanggap?
 
Saad ni Andre, “I take it as motivation na rin, minsan may mga hinahanap sila sa akin, they expect.

“There are times din naman na the director or my acting coach, okey naman yun.
 
“Tinatanong ko rin, ‘Okey na ba yun, Direk?’ I’m sure naman they’re not lying.

“Siguro, when it translates to TV, people might think or hindi sanay na nag-aacting siya sa TV.

“So the comment is, hindi magaling; siyempre nakaka-hurt.

“I’m sleeping late and I’m doing this for you, guys.

“I mean, I shouldn’t get offended.

“I’m sure naman, mas maraming artist na mas worse ang sinasabi, but I take it as motivation,

“And I wanna thank them because if it wasn’t for their bashing, they won’t watch the show, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN