Erik Santos on relationship with Angeline Quinto: It's more than friendship

Erik Santos on relationship with Angeline Quinto: "I don't want to label anything kung ano meron kami, but I can say na we're both happy and we're really, really enjoying each other's company. Wala na kami doon sa getting to know each other. Kung meron man kaming stage kung nasaan kami ngayon, nandoon na kami sa stage na ini-enjoy namin ang isa't isa."


Umamin si Erik Santos na mas malalim pa sa pagiging magkasama sa trabaho at pagkakaibigan ang namamagitan sa kanila ng kapwa-Kapamilya singer na si Angeline Quinto.

Pahayag ng Prince of Ballads, “Hindi ko naman sasabihing walang-wala talaga kasi, I mean, we’re always together. 

“Kasi we’ve known each other for quite a long time already and masasabi ko na hindi man official, but the relationship that we have or that we both having right now, siyempre, iba yun sa sitwasyon namin a year ago.

“Pero kung tatanungin mo kami, hindi pa. 

“But kung magkaibigan kami, it’s more than that.”

Hindi rin daw maaaring sabihing “mutual understanding” ang namamagitan sa kanila.

Paliwanag niya, “Hindi ko siya ganun mai-label, e. 

“I don’t want to label anything kung ano meron kami, but I can say na we’re both happy and we’re really, really enjoying each other’s company.

“Wala na kami doon sa getting to know each other. 

“Kung meron man kaming stage kung nasaan kami ngayon, nandoon na kami sa stage na ini-enjoy namin ang isa’t isa.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erik matapos ang presscon proper ng Royals sa ballroom ng Luxent Hotel, sa may Timog Avenue, Quezon City, noong Martes, January 26.

Ang Royals ay ang back-to-back-to-back concert nila nina Regine Velasquez, Martin Nievera, at Angeline na mapapanood sa February 13 sa MOA Arena at sa February 14 sa Waterfront Cebu.

ANGELINE’S MOM. Hindi itinanggi ni Erik na may dahilan kung bakit hindi pa puwedeng maging official ang relasyon nila ni Angeline.

“May reason kung bakit. Pero for now, kami muna. Sa amin lang muna. 

“Especially, sa family… marami ring obligasyon, especially sa family. 

“Marami ring reasons… mga personal reasons, like…

“Eto, hindi siguro dapat manggaling sa akin, pero on behalf of Angeline kasi, parang lagi niyang sinasabi na yung mommy niya, selosa. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Laging nire-request sa kanya na, ‘Anak, huwag muna [mag-boyfriend].’

“And she respects her mother so much. 

“So, that’s one of the reasons.”

Wala namang pagtutol sa mga magulang ni Erik kung sakaling papasok ito sa isang romantic relationship.

Nakangiting saad ng 33-year-old singer, “Nasa tamang gulang na ako.

“More or less, I can say I’m ready—emotionally, mentally, I’m ready.

“Siguro it’s just a matter of finding or waiting for the right time…

“Hindi naman waiting, we just take it a day at a time. 

“So, kunin na lang natin from there.”

Irerespeto raw ni Erik kung ano ang gusto ni Angeline sa kasalukuyan.

“Siyempre, siya ang babae, e. I respect her.”

Kung wala pa pala silang official relationship, puwede ba siyang makipag-date sa ibang babae?

Mabilis na sagot ni Erik, “It is my choice not to date anyone. 

“Kasi, unang-una, I respect her. 

“Pangalawa, nirerespeto ko kung ano ang meron kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN