Meryll Soriano insists her personal relationship with dad Willie Revillame is more important than money

Meryll Soriano on her improved relationship with dad Willie Revillame: "Nag-e-enjoy akong kasama siya. Nag-e-enjoy talaga ako. I think, matanda na kami parehas. Dun lang naman yun."


Masaya si Meryll Soriano dahil maayos na maayos ang relasyon nila ngayon ng kanyang ama na si Willie Revillame.

Si Meryll ay anak ni Willie kay Bec-Bec Soriano, kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Paglalarawan ng aktres sa relasyon nila ngayon ng ama, “Well, ibig kong sabihin, napi-feel ko na nandiyan siya.

“Naaano nga ako dahil sobrang busy ko ngayon, hindi ko na nadalaw.

“E, matampuhin kasi si Papa, di ba?”

Pero sa birthday salubong para kay Willie noong January 26 ay naroroon si Meryll; January 27 ang aktuwal na kaarawan ng TV host-comedian.

Patuloy ng That’s My Amboy actress, “Nag-e-enjoy akong kasama siya. Nag-e-enjoy talaga ako. 

“I think, matanda na kami parehas. Dun lang naman yun.”

Palagi bang nakikita ng papa niya ang apo nito sa kanya na si Elijah?

“Oo naman,” nakangiting sabi ni Meryll.

Galante bang lolo si Willie sa apo niya?

“Huwag na nating pag-usapan yun. Hindi, joke lang!

“Basta, galante na siya sa akin ngayon."

Si Elijah ay anak ni Meryll sa dati niyang asawa na si Bernard Palanca.

WILLIE’S FORTUNE. Ano ang reaksiyon ni Meryll na nahati-hati na raw ni Willie ang kanyang mga ari-arian para sa mga anak niya?

Nang magkita sila sa birthday surprise para kay Willie ay biniro ng TV host ang anak ng: “Sobrang suwerte... ang daming mamanahin!”

Si Meryll ang panganay sa mga anak ng TV host.

View: Willie Revillame and daughter Meryll Soriano share funny and adorable moment together

Pero saad ng aktres, “Alam niyo, ako talaga, wala akong pakialam diyan. Ilang beses ko bang sasabihin yun?

“Ang importante sa akin, my relationship with my father because from the very beginning of time naman, yun lang naman ang care ko.

“Kaya nga siguro kapag nai-interview ako about it, naiinis ako.

“Noong bata ako, naiinis ako, naiimbiyerna ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, parang yun lang ba talaga ang tingin niyo sa akin, mukha akong pera?

“E, ang aga-aga kong nagtrabaho!

“Hindi yun ang focal point ko sa relasyon namin. Ang focal point ko, magkaroon kami ng relasyon, di ba?”

Dagdag ni Meryll, “Ano ba ‘yan, ang pera, kinikita lang naman ‘yan.

“Kung mahilig kang magtrabaho at masipag ka, di ba, so bakit kailangan kong manghingi?

“Hindi ko naman kailangang manghingi.

“Pero kapag kailangan ko, ibinibigay niya ang tulong na kailangan ko.

“Kasi, hindi ko rin naman kaya… di ba, ang tagal kong walang show?

“At least ngayon, ‘Pa, kailangan ko ng tulong.’ Tinutulungan niya ako. 

“Siguro, natapos na rin ang pag-iisip niya na pera rin ang kailangan ko sa kanya, di ba?”

LONDON CALLING. Dalawang taon pa bago raw matapos ni Meryl ang kurso niyang Product Design sa London. 

Pero magta-tatlong taon na siyang hindi nakakabalik doon para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

“Kakalungkot nga, e. Pero, tatapusin ko pa rin yun,” sabi ng 33-year-old actress.

Ayaw nang pag-usapan pa ni Meryl kung bakit hindi siya suportado ng kanyang ama sa pag-aaral niya ng kursong Product Design.

“Naku, napag-usapan na ‘yan paulit-ulit. Ayaw talaga ni Papa, okey?

“So, matagal na akong nag-deal with that, tapos na ako sa mga issues ko diyan.”

Ano ang nangyari sa kasunduan nila ng kanyang ama na siya na ang mamamahala sa mga negosyo nito?

Sabi ni Meryll, “Yeah, oo, pero parang hindi rin nag-work out.

“Parang hindi pa talaga time. Siguro hindi pa ako hinog for that.”

Sinesante ba siya ng papa niya?

Paglilinaw ng aktres, “Hindi naman, hindi naman.

“Wala naman kasi kaming formal-formal na chevarloo. 

“Parang introduction lang, pero hindi pa kami ready for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN