Derek Ramsay clueless about Angelica Panganiban-John Lloyd Cruz split

"Unless I heart it from her mouth, herself, that's what I'll believe in," says Derek Ramsay about Angelica Panganiban-John Lloyd Cruz breakup.


“Ayaw kong pansinin.”

Ito raw ang reaksiyon ni Derek Ramsay tungkol sa balitang paghihiwalay nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Matatandaang sa press conference ng pelikulang Love is Blind kamakailan, sinabi ni Derek na hindi totoo ang noo'y usap-usapan pa lamang na breakup nina Angelica at John Lloyd.

Read: Derek Ramsay on Angelica Panganiban-John Lloyd Cruz rumored split: "Hindi totoo 'yan."

Matapos ang ilang araw, kinumpirma ng radio broadcaster at talent manager na si Ogie Diaz na hiwalay na ang Home Sweetie Home co-star niyang si John Lloyd kay Angelica, na dating girlfriend naman ni Derek.

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban called it quits, says source

“You know, guys, I don't know what's going on out there,” sabi ni Derek nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kumpirmasyong break na sina Angelica at John Lloyd, sa launch ng Century Tuna Superbods 2016 kagabi, January 27.

Dagdag pa niya, “Unless I hear it from her mouth, herself, that's what I'll believe in.

“I don't know if she's admitted it. I haven't seen or heard anything.

“I'm going to take it on what I was told.”

Diin pa ni Derek, “I don't want to pry into their relationship.

"The last time I saw them together, they look very, very happy.”

Samantala, sinabi ni Derek na nakakausap niya paminsan-minsan ang dating girlfriend simula nang mag-send ito sa kanya ng text messages noong birthday niya.

“That was really, really nice of her to send me a message, reach out, and greet me on my birthday,” pahayag ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN