Meg Imperial admits being dumped by her not good-looking boyfriend

Meg Imperial on choosing a boyfriend: "Ngayon kasi na nagma-mature ako, hindi na looks na lang ang tinitingnan ko. Nasa personality at kakayahan niyang bumuhay or magbigay sa iyo ng kung anuman ang pangangailangan mo. Kasi ang buhay ngayon, kailangang pareho kayong meron, hindi lang yung isa lang ang nagtatrabaho."


Inamin ng aktres na si Meg Imperial na dumaan siya sa depression na nakaapekto sa kanyang showbiz career.

Matatandaang nagbida na si Meg sa dating afternoon soap ng ABS-CBN na Moon of Desire (2004), ngunit hindi na ito nasundan.

Paglipas ng panahon ay unti-unting naka-recover ang aktres sa tulong na rin ng mga namamahala ng kanyang career.

Pahayag ni Meg sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi never naman akong binitiwan ni Boss Vic [del Rosario, Viva big boss].

“Lagi niyang sinsabi sa akin na, ‘Kaya mo ‘yan, huwag kang bibitiw.’

“Nung pumunta ako sa Viva office nung time na depressed ako, sinabi sa akin ni Boss Vic,l tumatagos daw yung tingin ko sa kanya. So, ‘Mag-recover ka na.”

Pero iginiit ni Meg na kailanman ay hindi niya naisip magtangkang magpakamatay sa kabila ng pinagdadaanang problema.

“Wow! Wala ako sa point na mag-suicide. 

“Nung mga time na yun, gusto ko lang mag-isa, wala akong masyadong kausap, hindi ako puwedeng mag-lovelife. Kasi hindi ko mapapansin e.”

Lahad pa niya, “That time, may manliligaw ako, blinock ko talaga lahat. 

“As much as possible, ayoko ng may negative akong naririnig. 

“Ayokong may nagsasabi sa akin na… even my mom, sinasabihan ko, ‘Mommy, tanggap ko naman na may sasabihin ka.’

“Yun yung during Moon of Desire… sunud-sunod e, career...

“Siguro na-depress ako with the show, tapos yung nangyari sa lolo ko, financially...

“Tapos, yung sa amin, because of death ng lolo ko. So, patung-patong po talaga siya.

“Ako po yung breadwinner sa family. Kaya lahat ng pressure nasa akin, lalo nung nasa probinsiya yung mom ko."

Patuloy ni Meg, “Kaya ngayon, ang priority ko, work.

“Now, I was given the opportunity again. 

“And currently, mag-o-open kami ng business ng mom ko para at least hindi ako ma-depress. 

“Kung may something man, may pagtutuunan ako ng pansin ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP si Meg sa presscon ng bagong season ng Wattpad Presents ng TV5 nitong Miyerkules, January 27.

BE PRACTICAL. Natawa si Meg sa tanong kung hindi ba niya inisip pumatol na lang sa isang mayaman o mag-asawa na lang nung panahong nagkakaproblema siya sa pinansiyal.

Saad niya, “Siguro be practical. 

“Ngayon kasi na nagma-mature ako, hindi na looks na lang ang tinitingnan ko. 

“Nasa personality at kakayahan niyang bumuhay or magbigay sa iyo ng kung anuman ang pangangailangan mo.

“Kasi ang buhay ngayon, kailangang pareho kayong meron, hindi lang yung isa lang ang nagtatrabaho.

“Siguro naging praktikal lang ako, pero not really na papatol ako sa ganitong tao para lang…”

Inamin ni Meg na nagkaroon siya ng non-showbiz boyfriend na mas matanda sa kanya. Isa itong businessman.

Ito ba ang sinasabi niyang ‘praktikal’ kaya tinanggap niya ang lalaki?

Sagot ni Meg, “Praktikal siya kasi hindi siya goodlooking! Totoo!”

Pangit ba ang naging boyfriend niya?

“Hindi naman, tama lang. Kasi gusto ko matangkad, pero hindi siya matangkad.”

THE BREAKUP. May ilang buwan nang hiwalay si Meg at ang non-showbiz guy na hindi na niya pinangalanan.

Bakit sila naghiwalay?

Ayon sa Viva star, “Mabait kasi siya noong una, sobrang respeto niya ang mom ko. 

“Naiintindihan niya yung work ko. Naka-support siya kung saan man.

“And then, parang nagbago.

“Sabi ko nga, hindi na nga ganun kaano [kaguwapo], nagbago pa.”

Sino ang nag-initiate ng breakup?

“Siya nga,” mabilis na sagot ni Meg.

“Confident sa sarili kasi powerful siya, e.

“So, confident siya sa sarili niya na hahabulin ko siya. May tendency siyang ganun.”

Wala raw thirdy party sa kanilang hiwalayan.

“Mutual naman yung ano [breakup]. Pumayag naman ako. 

“Sabi ko, oo, sige. Medyo magulo na rin e.

“Nanghinayang ako noon una. Inisip ko, ‘Tama ba?’

“Kasi parang sobra na, feeling ko naapektuhan na yung mom ko. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To the point na hindi na rin niya kinakausap. 'Bakit, anong nangyari?'

“So, hindi malinis yung intention niya kung ganung case. 

“Sige, mas okey na rin na mag-break kami.”

PROMISES. Baka naman hindi niya inaalagaan ang dating nobyo?

Pagkontra ni Meg, “Sobrang alaga ko. 

“Sa sobrang alaga ko, na-take for granted niya ako. 

“Kasi, one time, parang may nangyari na… basta, may ginawa siyang something na sabi ko, hindi ako yaya.

“Nagkukusa ako, pero parang sumobra ata.”

Mapagbigay raw noong una ang kasintahan niya.

“Noong una, tapos a lot promises na lang. 

“Kasi hindi ako yung tao na humihingi. 

“Kasi kung ano yung ibibigay mo, tatanggapin ko ‘yan nang buong puso, pero huwag mo akong susumbatan.”

Anu-ano ba ang mga naibigay sa kanya ng ex-boyfriend niya?

“Supposedly mga material things din, parang pa-impress. 

“Pero lahat yun, hindi ko hiningi, kusa mong ibinigay.”

Ilan daw sa mga naibigay kay Meg ay branded bags na ibinigay rin niya sa kanyang ina.

Hindi itinanggi ni Meg na muntik na siyang bigyan ng sasakyan ng dating boyfriend.

“Parang pabigay pa lang yata, pero nag-break na kami.”

Ilang buwan bago mag-Pasko nag-break si Meg at ang non-showbiz boyfriend.

Patuloy na kuwento ng aktres, “Nakikipagbalikan siya. Pero I said no. 

“Kasi noong una, sabi niya nagkamali siya. He still loves me. 

“Kasi yung mga nasira, ang hirap na para ibalik uli yung tiwala. 

“Unang-una sa lahat, ayaw kong pagdududahan mo ako dahil wala akong ginagawang masama.”

Pero ayon kay Meg, hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila ng ex-boyfriend niya. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN