Liza Soberano hits back at basher who accused her mom of being an "addict"

Liza Soberano hits back at basher who accused her mom of being an addict and other nasty things.


Sinagot ni Liza Soberano ang isang basher na sunud-sunod na nag-tweet ng hindi magagandang akusasyon laban sa kanyang ina na naninirahan sa U.S.

Tinawag ng basher ang ina ni Liza na “meth [methamphetamine] addict,” at “loser.”

Sabi pa nito, nasa rehab daw ito at hindi makadalaw sa Pilipinas.

Maging si Liza ay tinawag na “bobita” ng nasabing basher.

Kaagad namang ipinagtanggol ng Kapamilya actress ang ina at sinabihan ang basher na huwag nang idamay ito.

Halatang naapektuhan si Liza sa nasabing basher.

Ikinalungkot daw ng 18-year-old actress na may ibang tao na nagtatago sa likod ng pekeng identity at nagsasabi ng mga masasakit na salita sa mga taong hindi naman nila kilala.

HOW IT ALL STARTED. Nagsimula ang isyu nang magpa-Q and A (question-and-answer) si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach gamit ang official Miss Universe account.

Isang netizen ang nagtanong kung sino sa female celebrities ngayon ang sa palagay niya ay puwedeng maging Miss Universe.

Pinili ni Pia si Liza Soberano.

Pagkatapos nito ay nag-tweet ang isang netizen (@annemainei) na tinawag na "addict" ang ina ni Liza.

Samantala, ipinagtanggol naman ng ibang netizens si Liza at ang kanyang ina mula sa nasabing basher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN