Jiro Manio decides to give showbiz another try now that he's out of rehab

Jiro Manio on his realizations after what happened to him: "Siguro po hindi ko na dapat pang isipin yung mga nangyari nung nakaraan. Na-realize ko kasi wala na akong dapat balikan pa sa nangyari sa nakaraan kasi lahat naman po yun… hindi naman maling-mali. Kumbaga, yung mistakes ko lang sa buhay ko, mga pagkakamali ko napagsisihan ko na. Yung mga bagay na hindi ko na dapat balikan, iniwan ko na."


Nakalabas na si Jiro Manio noong Lunes, January 25, pagkatapos ng anim na buwang pagkaka-rehab sa isang wellness facility na pinagdalhan sa kanya ni Ai-Ai delas Alas.

Magaling na raw ang aktor ayon sa kanyang doktor.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jiro kahapon, January 28, kapansin-pansing medyo nadagdagan siya ng timbang.

Ayon sa dating child actor, halos araw-araw ay wala siyang ginawa sa loob kundi ang kumain.

Ikinuwento ni Jiro sa PEP na nung ipinasok siya ni Ai-Ai para ipa-rehab ay medyo naging bayolente siya dahil ang buong-akala niya ay magpapa-check-up lang siya.

“Natakot po ako nun kasi bigla po silang umalis.

“Medyo naging bayolente ako nang konti.

“Yung guwardiya dun, sinuntok ko, pero hindi naman tinamaan.

“Kasi natakot po ako, nabigla ako, e.

“Ang akala ko, yung pagpunta namin dun, magpapa-check-up lang ako. Hindi ko alam na ia-admit pala ako,” lahad ni Jiro, na medyo naalangan pang magpa-interview.

Bale pangalawang beses nang na-rehab ni Jiro at iba raw ito sa unang pinasukan niya.

“Nung last time na na-rehab ako, ganun din po ang nangyari.

“Halos parehas lang po ng routine, parehas lang po ang ginagawa.

“Kaya lang iba dun sa huli kong pinasukan, medyo maluwag, medyo hindi sila masungit, ganun.

“Kasi po dun sa una, medyo nahirapan talaga ako. Mas okay po ito ngayon,” pagkukumpara ni Jiro.

BACK TO ACTING. Diretsahang sinabi ni Jiro na magaling na siya at sana ay mabigyan daw siya ng isa pang pagkakataong makabalik sa pag-arte.

“Okay na po ako. Healed na po ako,” pakli niya.

Kahit hindi naging madali sa kanya ang mag-adjust sa loob ng rehab, kailangan na rin daw niyang makipag-cooperate para gumaling siya.

“Ang nasa isip ko, yung talagang ma-wash out yung lahat na toxics sa katawan na. Kumbaga, nilinis talaga ako dun.

“Kulang na lang nga i-suwero nila ako, e. Kasi nga yung kamay ko minsan nagsi-shake, ganun, pero okey lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nandun na ako sa loob, sabi ko, ‘Sige, tiisin ko na lang.’

“Sabi ko, gusto ko na rin magbago talaga, gumaling, totally na maging maayos.”

Ang una raw nilang pinag-usapan ni Ai-Ai pagkatapos niyang lumabas ay kung paano bumalik sa showbiz.

Saad ng 23-year-old actor, “Gusto ko nga po mag-sorry kay Mama Ai kasi nag-text po ako sa kanya kanina na parang hindi pa ako ready na mag-showbiz uli.

“Pero sa palagay ko naman, pag kaharap ko na ang mga tao, ano na ako ulit.

“Back to normal na ulit yung sitwasyon, kumbaga, na ganun pa din yung pagiging professional ko dati.”

ADJUSTMENT. Sa tulong ni Ai-Ai at ng pamilya niya, hindi naman daw siya gaanong mahihirapang mag-adjust sa pagbabalik sa pag-aartista.

Pahayag ni Jiro, “Nakapag-adjust na ako nang malaki.

“Meron na akong time para ma-memorize yung lahat na dapat kong gawin. I-set aside yung mga hindi ko na dapat gawin.

“Nagpi-prepare po ako, nagdyi-gym po ako para medyo lumiit ang tiyan ko.

“Tapos yung pagkain ko, medyo diet, ganun lang po.”

Dagdag niya, “Siguro po hindi ko na dapat pang isipin yung mga nangyari nung nakaraan.

“Na-realize ko kasi wala na akong dapat balikan pa sa nangyari sa nakaraan kasi lahat naman po yun… hindi naman maling-mali.

“Kumbaga, yung mistakes ko lang sa buhay ko, mga pagkakamali ko napagsisihan ko na.

“Yung mga bagay na hindi ko na dapat balikan, iniwan ko na.

“Nag-promise po ako kay Mama Ai na aayusin ko, hanggang sa makabangon ako, at suklian ko ang lahat ng mga tulong niya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN