Jiro Manio settles issue with adoptive family; still wants to meet his Japanese dad

Ai-Ai delas Alas on taking care of Jiro Manio: "Medyo mahirap kasi para kang may inaalagaang baby. Siyempre, hindi naman puwedeng ako lang, dapat tinutulungan din niya ang sarili niya. Kahit gusto kong ganito, kung ayaw naman niyang tulungan ang sarili niya, wala naman din tayong magagawa. Ako, ang prayers ko lang, sana gumaling siya. At sana kung ano ang maging plano ko, maging tuluy-tuloy na at sumunod lang siya."


Ang isa pang inayos ni Jiro Manio paglabas ng rehab ay ang isyu sa kinalakihan niyang pamilya.

Bago siya ipinasok sa rehab ay hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng adoptive father niyang si Andrew Manio. Pero nakipag-ayos na raw siya pagkatapos nilang magkita.

Sabi ni Jiro, “Yung family ko naman po, wala naman po kaming pinag-awayan.

“Siguro yung mga issue dati, tungkol lang po sa akin yun na ma-realize ko bakit ginagawa ko yung masamang bisyo na bakit nandun ako sa maling daan, maling paraan.

“Siguro po sa ngayon, ready na ang family ko, accepted na nila na nagbago na ako.”

Nagkaroon daw sila ng pag-uusap ng Daddy Andrew niya at suportado naman nito ang pagbabago niya at pagbabalik niya sa showbiz.

“Nag-usap na po kami, nagpunta na po ako sa bahay.

“Wala naman po kaming pinag-awayan.

“Yung nangyari nung nakaraan, okay na, naayos na namin.

“Tapos yung mga ibang bagay na dapat ayusin, inaayos na nila.

“Yung pagsuporta sa akin, nandun pa rin. Yung pag-cheer up nila na bumalik ako sa showbiz.

“Wala naman po akong ibang tatakbuhan kundi sila lang.

“Dahil kung mag-isa po ako, parang hindi ko pa kaya.”

JIRO’S JAPANESE DAD. Alam niyang hindi agad-agad, pero umaasa si Jiro na makakapunta siya ng Japan para magkita na sila ng tunay niyang ama.

“Yun pa rin po ang inaasahan ko. Kasi ever since na ipinanganak ako, dun ako ibinigay sa family ko.

“So, yun, matagal ko na po siyang hindi nakikita.

“I just want to talk to him personally.”

Dagdag pa ni Jiro, “Maayos namin yung dapat kong gawin, ang routine, tapos yung pagbabalik ko sa showbiz, kung susuportahan niya ako.”

Bukod sa regular na pagdyi-gym at workshop, inayos na rin ni Ai-Ai ang titirhan ni Jiro.

Ikinuha niya ito ng condo unit kung saan kasama ang isa pang tatay-tatayan ni Jiro, ang nakatatandang kapatid ng Daddy Andrew niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naghahanap din si Ai-Ai ng personal assistant na mag-aalaga at magmu-monitor sa aktor.

Seryosong pahayag ni Jiro, “Malaki po ang expectations ko na makabalik ako sa showbiz dahil kay Mama Ai.

“Sa dami po ng balita na tinulungan niya ako, nagpapasalamat po ako, hindi lang sa kanya pati na rin kay God.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat na nagtiwala sa akin.”

AI-AI'S PRAYER. Sabi naman ni Ai-Ai, iyon lang ang madalas niyang ipinagdarasal na tuluyan nang gumaling si Jiro.

Kailangan pa rin daw ng aktor ng regular medication. Kaya minu-monitor daw niya palagi dahil meron itong iniinom na gamot araw-araw.

Tuwing 11th of the month ay kailangang niyang magpa-check-up at mayroong ini-inject na gamot sa kanya.

Pahayag ni Ai-Ai, “Medyo mahirap kasi para kang may inaalagaang baby.

“Siyempre, hindi naman puwedeng ako lang, dapat tinutulungan din niya ang sarili niya.

“Kahit gusto kong ganito, kung ayaw naman niyang tulungan ang sarili niya, wala naman din tayong magagawa.

“Ako, ang prayers ko lang, sana gumaling siya.

“At sana kung ano ang maging plano ko, maging tuluy-tuloy na at sumunod lang siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN