Ruby Rodriguez quashes rumor linking Alden Richards to Patricia Tumulak

Ruby Rodriguez defends fellow Eat Bulaga! hosts Alden Richards and Patricia Tumulak following rumors linking the two.


Ipinagtanggol ng Eat Bulaga! host na si Ruby Rodriguez ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza mula sa malisyosong pagli-link kay Alden kay Patricia Tumulak, na kasamahan din nila sa Kapuso noontime show.

May netizen (@OFCMaiDenForevr) ang nakiusap kay Ruby na magbigay-linaw sa isyung nag-uugnay kina Alden at Patricia.

Sagot ni Ruby rito: “NO IT IS NOT TRUE! Patricia is dating non showbiz, OK!!!

Pakiusap pa ng EB host “Please stop spreading BV (bad vibes) rumors.”

Sumagot ang nasabing netizen kay Ruby at sinabing iri-retweet niya ang kanyang sagot sa isang “BV infested pseudo EB staffer who's spreading the rumor,” na ang tinutukoy ay ang Twitter user na si @unknowneb07 na kung pagbabasehan ang tweets ay basher ng AlDub.

Nakuha namang magbiro sa sagot ni Ruby si Sam YG, isa pang EB host at ipinapareha kay Patricia.

Tanong ni Sam, kung ang idini-date ba ni Patricia ay nagngangalang “Sam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN