Ken Chan speaks up about Destiny Rose-Paloma 'rivalry'

Ken Chan differentiates his character Destiny Rose to Coco Martin's Paloma. However, the Kapuso actor says that he idolizes Coco as an actor.


Naging paksa nitong mga nakaraang araw sa social media ang pagkukumpara sa karakter ni Ken Chan na si Destiny Rose at ang karakter ni Coco Martin na si Paloma Picache.

Inihahambing kasi ng netizens sina Destiny Rose at Paloma at kung sino ang mas maganda sa kanila.

Habang si Destiny Rose ay isang transgender woman sa GMA-7 afternoon teleserye na may ganun ding pamagat, si Paloma naman ay ang babaeng disguise ni Cardo (role ni Coco) para sa kanyang misyon sa ABS-CBN primetime series na Ang Probinsyano.

Kinunan ng reaksyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken tungkol dito sa kanyang birthday charity kasama ang Golden Gays na inorganisa ng GMA Artist Center nitong Huwebes, January 28.

Nakangiting sabi ng Kapuso actor, “Actually, natutuwa ako personally kasi ikumpara ka ba naman ba kay Coco. Idol ko yun, e!

“Isa sa mga idolo ko ‘yan, tsaka magaling na aktor si Coco Martin. Sobrang masaya lang.”

Pagdating naman sa pagkukumpara, ang masasabi lang ni Ken, “Magkaiba naman kasi si Destiny Rose at si Paloma, e.

“Nakakatuwa lang na naa-appreciate ng mga tao ngayon yung ganitong klaseng karakter.”

WHO IS PRETTIER? Naging paksa sa social media kung sino ba ang mas maganda sa dalawang karakter.

Para kay Ken, sino nga ba ang mas maganda kina Destiny Rose at Paloma?

Tugon niya, “Actually, meron akong nakitang mga blogs at nakitang mga write-ups na kung ano si Paloma at si Destiny.

"Si Destiny Rose daw ay ibang-iba kay Paloma at si Destiny ay ibang-iba kay Paloma. Magkaiba sila ng characters.

“Si Destiny ay gustong pakasalanan, mahinhin, finesse…”

Ikinatuwa naman ng Destiny Rose star na nagsusulputan ngayon ang roles na may kinalaman sa third sex, dahilan upang mamulat ang mga tao sa reyalidad na ito.

“Nakakatuwa kasi ako proud ako dahil pagkatapos ng Destiny Rose, may mga shows na lumalabas na transgender din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman nakikipagkumpitensiya. Wala naman sa ganun.

“Siguro ngayon na ang tamang panahon para ikalat o ipagsabi sa mga tao, especially dito sa bansa natin, na hindi pa ganun katanggap ang transgender, na ang mga transwomen o LGBT (Lesbians, Gay, Bisexual, Transgender) group ay dapat respetuhin at hindi sila iba.”

BIRTHDAY BOY. Samantala, masaya si Ken na napasaya niya sa kanyang birthday celebration ang mga miyembro ng Golden Gays, na natutuwa at ipinagmamalaki ang mga programang tumatalakay sa third sex kagaya ng Destiny Rose.

Pahayag ni Ken, “Nakakatuwa na nakikita ko sila na naabot nila ang ganung edad at nakayanan nila kung ano man ang pinagdaanan nila sa buhay.

“Nakayanan nila kung ano man yung paghihirap at pagkutya na naabutan nila.

“It seems sobrang masaya sila sa kung ano ang narating nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN