(UPDATED) Are Andi Eigenmann and Jake Ejercito together in Thailand?

Some netizens speculate that Andi Eigenmann and Jake Ejercito are "together" after the two posts on social media being in similar locations.


Lumutang na naman ang espekulasyon kung nagkabalikan sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito matapos mag-post ang dalawa ng mga larawan ng kanilang huling escapade sa kani-kanilang Instagram account.

Kung pagbabasehan ang mga larawan sa kanilang Instagram posts, wala man silang mga larawang magkasama, pero tila nagpunta sa parehong lugar ang dalawa.

Mula January 21 hanggang 23, nag-post si Jake ng photos niya sa beach.

Walang captions na inilagay ang anak ni Manila Mayor Joseph Ejercito sa kanyang posts pero sa “check in” ng huling posts niya na nagtutukoy kung nasaan ang lokasyon ng Instagram user, tinukoy na si Jake ay nasa Koh Phi Phi at Maya Bay, mga tourist destinations sa Thailand.

Too much life makes you thirsty

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

Anywhere you go, desire is desire. The sun cannot bleach it, nor the tide wash it away.

A video posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

Mula January 25 hanggang 26 naman ay nag-post si Andi ng kanyang mga pagpunta sa beach ng Maya Bay at Koh Phi Phi.

Noong November 2015, sinabi ni Andi na mahal ni Jake si Ellie, anak ni Andi, na parang tunay na anak.

Higit sa isang taon na silang magkahiwalay pero nilinaw ni Andi na hindi na sila magkakabalikan ni Jake, pero may maganda silang pinagsamahan at hindi nila yun basta-basta puwedeng itapon.

Sinusuportahan naman ng posts ni Jake ang pahayag na ito ni Andi dahil may mga post siyang kasama si Ellie, patunay na naglalaan ng oras sa bata si Jake.

Read: Andi Eigenmann says Jake Ejercito is the "father" of her daughter

UPDATE. Pagkatapos mailathala ng artikulong ito sa PEP ay isang hindi nagpakilalang netizen ang nagpadala ng isang larawan kung saan magkasama sina Andi at Jake, kasama ang tila ilang kapwa Pinoy na nagbabakasyon din.

Bagamat kuha ang nasabing larawan sa isang beach, hindi malinaw kung ito ay kuha sa Thailand kung saan nagpunta sina Andi at Jake o kung luma na ang larawang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN