Angel Locsin still cannot do Darna

Angel Locsin says she's willing to wait for a worthy project: "I'm just hungry na gumawa ng magagandang projects. Kaya kung magtatagal pa para makakuha ng magandang proyekto, okay lang sa akin."


Muling itinanggi ni Angel Locsin na siya ang gaganap na Darna sa movie adaptation ng Pinay superhero na gagawin ng Star Cinema sa ilalim ng direksiyon ni Erik Matti.

May bali-balita kasi kamakailan na ang role ng sikat na Pinay superheroine character ay ibibgay pa rin kay Angel, na gumanap bilang Darna sa telefantasya ng GMA Network noong 2005.

Ayon sa aktres, imposible pa rin ito sa ngayon dahil kailangan pa niyang magpagaling.

“Sinabi ko na nga na hindi ako [ang gaganap na Darna] because mayroon akong problema sa likod.

"Yun lang po talaga ang alam ko. Ang priority ko lang po talaga is magpagaling,” sabi ni Angel sa ginanap na blogcon para sa pelikulang Everything About Her, kung saan kasama niya sina Vilma Santos at Xian Lim.

Dagdag pa niya, “May kaunting pag-uusap-usap. Pero ang kailangan lang po talagang mangyari is maging successful po ang operation and walang mangyaring masama after that.”

Gayunman, paniniguro ng Kapamilya actress, “But I feel great. Okay namang therapies ko, check-up ko.

"I think mas mapapaaga o mapapadaling magamot 'tong situation ko sa likod.”

Muli raw babalik si Angel sa Singapore para sa second surgery ng kanyang problema sa likod.

Sa kabila ng iniindang sakit sa likod, hindi naman daw naging mapili si Angel sa mga proyektong tatanggapin.

Sabi ng Pilipinas Got Talent judge, “Pagdating sa teleserye o sa pelikula, nasa management yun.

“Kahit ano naman ang ibigay nila sa akin, meron o wala, okay lang sa akin.

“Basta may project, tatanggapin ko naman kung maganda.”

Handa rin daw si Angel maghintay para sa magandang proyekto.

“Basta ako, I'm happy.

"Nandito na ako sa point ng buhay ko na medyo kumportable na tayo mamuhay, kumportable na rin ang pamilya ko.

“I'm just hungry na gumawa ng magagandang projects.

“Kaya kung magtatagal pa para makakuha ng magandang proyekto, okay lang sa akin,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN