Vin Abrenica shocked by video scandals of fellow celebs: "Hindi ko alam kung di sila nag-iingat..."

Vin Abrenica on 'checking' himself out before: "Na-try ko na ko din noon? Yes, of course, tao din lang naman tayo. I tried checking myself sa ano... minsan sa salamin, may thrill kasi, e. Iba. Pero alam mo, last kong nagawa 'yang cam-to-cam na 'yan, webcam pa. Parang YM [Yahoo Messenger] pa noon, may buzz-buzz pa."


Nagugulat si Vin Abrenica sa mga sunud-sunod na video and photo scandals na naglalabasan nitong mga nakaraang linggo.

Hindi raw niya akalaing kabubukas pa lang ng taon, ito na ang bumungad sa social media.

Unang pumutok ang larawan ng isang bagitong aktor sa aktong nakahawak sa kanyang ari.

Sinundan ito ng sex video diumano ni Joross Gamboa, at pagkatapos ang kay Jeric Gonzales naman daw.

Hindi pa man nakukupirma, kumalat naman ang tungkol isa isang larawan diumano ng isang bagitong singer na may kalambingang kapwa niya lalaki.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin sa presscon ng Wattpad Presents: TV Movie ng TV5 at Viva Entertainment Inc., sa Music Hall, sa Metrowalk, Ortigas Center, noong January 27, ay pabiro naming tinanong kung mayroon din siyang ganito.

Natatawang sagot ng Kapatid actor, "Huwag lang mawawala ang cell phone ko!

"Hindi, ano... ako, hindi naman ako natatakot, kasi wala naman akong ebidensiya o picture o video."

Pero inamin ni Vin na sinubukan na rin niyang kunan ang kanyang sarili noon.

"Na-try ko na ko din noon? Yes, of course, tao din lang naman tayo.

"I tried checking myself sa ano... minsan sa salamin, may thrill kasi, e. Iba.

"Pero alam mo, last kong nagawa 'yang cam-to-cam na 'yan, webcam pa.

"Parang YM [Yahoo Messenger] pa noon, may buzz-buzz pa."

Na-enjoy ba naman ni Vin yung thrill na sinasabi niya?

Tugon niya, "Oo, na-enjoy ko.

"Gusto mo idetalye ko kung ano ang ginawa namin?" pabirong tugon niya sabay bawi kaagad.

"Hindi, hindi... Ano lang yun sa akin, kasi mahina yung Internet sa amin, kaya pinagsasabay ko yung chat, so di na ako nagtsa-chat, para ma-lessen yung internet use sa webcam, so sa telepono na lang.

"Naka-earphone lang, tapos nakikita ko nga, naka-earphone sila.

"Ganun yung style ko dati.

"Bata pa ako nun, alam mo naman tatay ko, entertainer, at wala naman akong itinatago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin ay may posibilidad na may mag-leak na sex video sa kanya?

Tugon ni Vin, "Ngayon? A, wala.

"Siguro kung noon, yung dati, pero pangit na yun kasi pixilated na yun.

"At saka sino ba naman ako para i-save pa?

"High school pa ako nun, at malayo na ang hitsura ko ngayon."

Kaya sobrang ingat daw ni Vin kung ano man ang ginagawa niyan ngayon.

Mabilis niyang sagot, "Safe talaga ako ngayon.

"Hindi ko na kailangang mag-ingat kasi sobrang bait ko talaga ngayon.

"Wala akong ginagawang ano.

"Kaya nga, kahit ako nagtataka, na yung mga sinasabi niyong may scandal, hindi ko alam kung di sila nag-iingat o biktima rin lang sila."

NO MORE TAMPO? Sa puntong ito, mas ginusto na niyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang career.

At least, masaya na raw siya sa takbo ng kanyang career.

Ibig bang sabihin nito ay nawala na ang tampo niya sa TV5 noon?

"Meron pa rin," sagot niya, sabay bawi.

"Wala, wala na. Ano ka ba?

"Ano na 'yan, bagong taon na, at palitan na natin ang mga [isyung] 'yan.

"Ako, masaya talaga ako, lalo na ngayon.

"Actually, for the past three days, sinamahan ko ang father ko sa hospital na magpa-check up."

Ano ang pakiramdam niya na lumalaki ang pamilya ng TV5 sa pagdating ng Viva artists?

Sabi ng Artista Academy grand winner, "Sobrang laki na namin ngayon. Nakakatuwa, 'no?

"Para sa akin, mas maganda talaga na ipakita kung ano meron sa TV5, lalo na't nag-joint forces, so abangan nila.

"Mas marami ring chance na makatrabaho namin yung hindi contract artists ng TV5, so it's a welcome move.

"Advantage yun para sa aming lahat na homegrown talents ng network, kasi we are given the chance na maka-work ang Viva contract stars.

"So no problem with me, okey sa akin 'to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN