Arron Villaflor admits to courting Yen Santos

Arron Villaflor on why his relationship with Yen Santos did not blossom: "Kasi ang hirap kapag pinipilit mo iyong isang plano o mga plano na hindi kayo handa sa isa't isa. O iyong isa naman handa, iyong isa hindi. It's not gonna work."


Inamin ni Arron Villaflor na niligawan niya ang kanyang co-star sa All of Me na si Yen Santos.

Sila rin ang naging magka-love team noon sa 2014 Filipino adaptation ng Koreanovelang Pure Love.

Subalit ayon kay Arron, naudlot ang panliligaw niya dahil mas pinili muna nilang mag-focus sa kani-kanilang mga prayoridad.

Saad niya, “I guess ano, mas priority yata niya ang family, binanggit niya sa akin.

“Hindi daw siya nagmamadali. Ako din naman, hindi ako nagmamadali. Nandito lang naman ako, e.

"So, nirespeto ko yung sinabi niya sa akin.

“Binigyan ko siya ng oras, binigyan ko siya ng pagkakataon para sabihin niya yung gusto niyang sabihin.

“Sabi ko, ‘Oo, sige. Basta ako dahil busy rin ako sa trabaho, busy rin ako sa family, pareho kami, huwag na lang muna nating ituloy iyong mga plano, di ba?’

“Kasi ang hirap kapag pinipilit mo iyong isang plano o mga plano na hindi kayo handa sa isa’t isa. O iyong isa naman handa, iyong isa hindi. It’s not gonna work.”

MORE THAN BEST FRIENDS. Subalit sinabi ni Arron na hindi man naging opisyal ang kanilang relasyon, “more than best friends” naman ang naging status nila.

“Naging sweet-sweetan po kami. Umabot naman po doon.

“Not officially [naging kami] pero more than friends, more than best friends.”

Ang tanong, ngayong tapos na ang All of Me, itutuloy na ba ni Arron ang panliligaw kay Yen?

“Ayoko rin naman mangulit sa kanya, baka i-let go niya ako, iyong friendship namin.

“Nasa stage kami ng more than best friends, iyon na iyong maibibigay ko sa inyo."

Pagbabahagi pa niya, “Right after taking our last day in taping, hi-nug niya ako nang matagal.

“Parang siguro, pasasalamat na din, nakasama ko siya sa show.

"At nagpasalamat din ako sa kanya dahil hindi siya mahirap na katrabaho, iyon din yung pinaka importante sa trabaho kasi, kung willing yung katrabaho mo na gawin yung proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So far, hindi ako nahirapan katrabaho si Yen at nirerespeto ko kung ano iyong sinabi niya sa akin at hindi mawawala iyong friendship namin forever.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN