Alden Richards, Maine Mendoza hold hands at Vic-Pauleen wedding

Alden Richards and Maine Mendoza were photographed holding hands with the "blessing" of Father Jeffrey Quintela, the officiating priest of Vic Sotto and Pauleen Luna's wedding. As such, fans teasingly tagged Alden and Maine as "#MrandMrsFaulkerson"


Kasabay ng kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna ay kinakiligan ng fans ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mula sa kanilang sabay na pagmartsa papasok ng St. James The Great Parish hanggang sa partisipasyon nila sa offertory para sa misa ay sadyang tinutukan ng kanilang fans.

offering with @mainedcm & @aldenrichards02 #MrAndMrsSotto

A photo posted by @gorgyrula on

Mabilis ding kumalat sa social media ang larawan nina Alden at Maine na magkahawak-kamay pagkatapos ng misa.

Makikitang katabi pa nila si Father Jeffrey Quintela na siyang officiating priest sa kasal nina Vic at Pauleen.

Kaya tuloy panay ang panunukso ng AlDub fans na balang-araw ay baka sakaling mauwi rin sa kasalan ang iniidolo nilang tambalan.

Kung anu't ano pa man, ang malinaw ay tuloy ang kulitan sa pagitan nina Alden at Maine, mapa-on cam o off cam man.

Patunay nito ay ang Snap Chat video ni Maine kung saan kinunan niya si Alden na todo sa pangungulit pagkatapos ng wedding ceremony nina Vic at Pauleen.

Maging si Maine ay nakunan din ng wacky shot kasama ang Dabarkads na si Jimmy Santos.

ayan! the usual @mainedcm super selfie kahit kanino ha! #MrAndMrsSotto

A photo posted by @gorgyrula on

Samantala, trending sa Twitter ang pagbati ni Alden sa bagong kasal na sina Vic at Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN