Ellen Adarna denies romantic link with Paulo Avelino: "We're really just friends."

Ellen Adarna clarifies speculations that she ditched her date, Ejay Falcon, for Paulo Avelino during last year's Star Magic Ball: "No, no. We were smoking outside. Yes, bumalik. Tatlong beses kaming lumabas [para mag-smoke]."


Na-link si Ellen Adarna kay Paulo Avelino sa kalagitnaan ng isyu tungkol sa break-up ng aktor at ni KC Concepcion.

Lumikha ng espekulasyon na may namagitan sa dalawa nang makitang magkasama sila sa nakaraang Star Magic Ball.

Nagkaroon ng alingasngas sa dalawa nang matsismis na iniwan ni Ellen si Ejay Falcon na escort niya noong gabi at sumama raw ito diumano ito kay Paulo sa pag-uwi.

Read: Ellen Adarna gets bashed for ditching Ejay Falcon for Paulo Avelino at Star Magic Ball

Matatandaang nangyari ito noong panahon ng pag-ere sa Kapamilya network ng Pasion De Amor, na pinagbibidahan nina Ellen at Ejay, kasama sina Arci Muñoz, Coleen Garcia at Joseph Marco.

Ito rin ang panahong nababalitang nililigawan ni Ejay si Ellen. At matapos ang insidente ng pag-iwan muna, nagkaroon na nang hindi pagkakaunawan ang dalawa.

YOSI BREAK. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mariing itinanggi ni Ellen na nagkaroon sila ng romantic connection ni Paulo sa Star Magic Ball kaya iniwan niya si Ehay sa party.

Paglilinaw ng sexy actress, “No, no. We were smoking outside.

“Yes, bumalik. Tatlong beses kaming lumabas [para mag-smoke].”

Patuloy ang pagtanggi ni Ellen sa isyung iniwan niya sa party si Ejay.

Giit niya, “No, I didn’t. Siya ang umakyat sa room, actually.

“Tanungin ninyo siya. Siya ang umuna sa room.

“Pero walang iniwan o nang-iwan.”

Na-interview ng PEP si Ellen matapos ang presscon proper ng Pasion De Amor noong Biyernes, January 29, sa Dolphy, Theater, ABS-CBN compound.

Patuloy na giit ni Ellen, matapos ang pagkikita nila ni Paulo sa Star Magic ball, hindi na sila uli nagkasama o kahit nag-date man lang.

Mariing sabi pa niya, “No.

“Kilala ko na si Paulo dati pa.

“So, wala.”

JUST FRIENDS.” Nasabit ang pangalan ni Ellen sa hiwalayan nina Paulo at KC Concepcion nong mga panahong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw ni Ellen, “Oo, pero, actually, hindi ko nga alam na naghiwalay sila.

“And then, hindi na namin... wala talaga. We’re really just friends.”

ENJOYING THE SINGLE LIFE. Kailan ka kaya magiging ready para sa panibagong relasyon?

Pag-amin niya, “Hindi ko alam. I think, I’m going through crisis, nagku-quarter life crisis pa ako. I’m 27.

“Ang tagal ko nang... since I had my first boyfriend.

“Ni minsan hindi ako hindi naging bakante. Meron talaga akong boyfriend, pala-palagi.

“And actually, I’m having fun na single uli ako. Ganito pala. Almost a year na akong single.”

PREFERENCE FOR OLDER GUYS? Base sa mga naunang interviews ni Ellen, ang boyfriend preference nito ay yung mga mas matanda sa kanya.

Sambit niya habang nangingiti, “Hindi naman sugar-daddy.

“Yung mga older men kasi they understand more.”

READY FOR YOUNGER GUYS? Ngayon ba ay nabago na ang preference niya? Gusto na ba niyang subukan ang mas bata o kasing-edad niya para sa susunod na magiging boyfriend?

Sabi niya, “I think I might adjust. E, kasi I go out. Lahat ng mga lalakeng lumalapit sa akin are all younger.

“What’s happening? Where are all the mature, good looking, tall...

“Sabi ko, tumatanda na ako.”

Dapat bang tanggapin ng susunod niyang magiging boyfriend na “baliw” siya?

“Oo. Mahirap na pag nag-away na.

“'Hindi ka naman dating ganito.' Ganun-ganon.

“False advertising.”

Pati yung pag-inom niya ng alak?

“Ay, oo. Pero actually, hindi naman everyday na gano'n.

“No. Mahilig lang ako [uminom] when I party. I guess I really do it right.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN