Actress Dalin Sarmiento gets support from TAG, other artists in her fight against director

Nakahanap ng kakampi ang aktres na si Dalin Sarmiento (kanan) sa pamamagitan ng ilang celebrities at pati na ang Theater Actors Guild (TAG) kaugnay ng kanyang reklamo laban sa direktor na si Jay Alatarejos (kaliwa).


Naglabas ng official statement ang Philippine Theater Actors Guild (TAG) bilang pagsuporta kay Dalin Sarmiento, ang theater/film actress na diumano’y nakaranas ng physical and verbal abuse mula sa director na si Jay Altarejos.

Ito ay kaugnay ng pananakit at pagmumura diumano ni Direk Jay kay Dalin sa set ng indie film na T.P.O. noong October 2015.

Read: Newbie actress to file complaint against director Jay Altarejos for workplace violence

Narito ang pahayag ng TAG sa ipinaglalaban ni Dalin:

“The Philippine Theater Actors Guild (TAG) condemns the actions of director Jay Altarejos against actor, Dalin Sarmiento.

“The simple dictionary definition of acting is: The art or occupation of performing fictional roles in plays, film or television.

“In the book To The Actor: On The Technique In Acting, Michael Chekov wrote, ‘The basis for any true art, is our ability to live…In the World of Imaginations.’

“Acting is a representation of truth. To subject an actor to the physical abuse he or she is supposed to encounter in a work of fiction is no longer a representation but physical abuse.

“An effective portrayal of character and situations relies on complete trust between the actor and his or her director. Altarejos breached that trust with his unwarranted violent behaviour on set.

“One of TAG’s tenets is upholding rights in any medium or form and addressing issues relevant to the continued dignity and well-being of the actor. TAG is committed to the prevention of violence in the workplace and stands in solidarity with Dalin.”

Maliban dito, nagpahayag din ng kanilang suporta kay Dalin ang ilang mga artista, talent managers, at iba pang taga-industriya sa pamamagitan ng social media.

Sa Facebook account ni Dalin, makikita ang mga pahayag ng pagsuporta nina John Arcilla, Iza Calzado, Direk Joey Reyes, Boboy Garrovillo, Jaime Fabregas, Audie Gemora, Carla Abellana, at Lea Salonga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho naman ng pahayag ang talent managers na sina Shirley Kuan at Girlie Rodis, na parehong miyembro ng PAMI, na kung yung nangyari sa talent na diumano’y minura ni Direk Cathy Garcia ay grabe ang reaksiyon ng netizens, ito pa raw kayang kaso ni Dalin na diumano’y hindi lamang verbal abuse kundi physical abuse pa ang natamo mula sa kamay ng direktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN