Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach to Filipinos: "I will continue making all of you proud!"

Nakabalik na sa New York si Pia Wurtzbach kung saan muli niyang gagampanan ang kanyang tungkulin bilang bagong hirang na Miss Universe. Isang taong mamamalagi ang Pinay beauty queen sa Amerika kung saan sasabak siya sa iba't ibang engagements.


Bumalik na ng New York si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kahapon, January 31.

Sa loob ng isang linggo niyang pamamalagi sa Pilipinas, naging abala ang bagong hirang na Miss Universe sa kabi-kabilang engagements, charity events, at guest appearances.

Dunalo rin si Pia sa kasal ng kanyang best friend na si Pauleen Luna kay Vic Sotto nitong nakaraang Sabado, January 30.

Kagabi, January 31, ipinalabas naman sa ABS-CBN ang grand homecoming party para sa kanya na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum, kung saan sa wakas ay nagawa na niya ang kanyang Miss Universe walk.

Sa kanyang Instagram post, madamdamin ang naging mensahe ni Pia para sa kanyang mga kababayan ngayong bumalik na siya ng New York.

Pahayag ng Miss Universe 2015, “I'll be back soon, mga kababayan.

"Naiiyak ako that I have to leave so soon. Sobrang saya ko dito sa Pilipinas.

"But like I said, this is a responsibility and I have duties now.

"I will continue making all of you proud!”

Sa official Instagram account naman ng Miss Universe, sinabi ni Pia na: “There is nothing better in the Universe than seeing and hearing your support, Philippines. Thank you to each and every one of you and I will continue to make you proud. #??#???? –Pia.”

Si Pia ang napiling maging correspondent ng Inside Edition para sa Super Bowl 50 ng National Football League.

Read: Pia Wurtzbach is Super Bowl 50 special correspondent


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN