Julia Clarete: "Hindi po ako buntis, walang inagrabyadong pamilya..."

Idiin muli ng actress-host na si Julia Clarete na wala siyang sinirang pamilya, hindi siya buntis, at wala siyang nakagalit kaugnay ng pag-alis niya sa Eat Bulaga at paninirahan sa Malaysia.


Idiniin ni Julia Clarete na ang pagbibigay-panahon sa kanyang pamilya ang tanging dahilan kaya siya umalis muna sa Eat Bulaga! at lumabas ng bansa.

Naninirahan na siya ngayon sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nitong Sabado, January 30, sumagot si Julia sa isang follower sa Facebook at muling nagpaliwanag tungkol sa mga isyung ikinakabit sa kanya na buntis raw ito o may kaaway kaya nilisan niya ang Pilipinas.

Pahayag niya, “Maayos po akong umalis sa Pilipinas.

“Hindi po ako buntis, walang inagrabyadong pamilya, at lahat po kabati ko.

“Kung meron man pong gustong dumungis sa pangalanan ko, KARMA na nila iyon, at malamang pinagbabayaran na nila.

“Mabait po ako… kaya hindi ako pumapatol sa mga demonyong chismosa diyan sa Maynila.

“Ayos, tuloy ang ligaya.”

Samantala, isa pang follower ang nag-comment sa Facebook ni Julia at sinabing mahirap daw paniwalaan ang dahilan ng biglang pag-alis ni Julia sa noontime show.

Dagdag pa raw ang hindi niya pagdalo sa kasal ng mga kaibigang sina Pauleen Luna at Vic Sotto nitong Sabado, January 30.

Paliwanag ni Julia, “Pamilya po talaga, e. Pasensiya na po kung masyadong simple ang dahilan, pero yun po talaga, e. Salamat.

Binigyang-linaw rin ni Julia na hindi niya tinatalikuran ang showbiz.

Sabi niya, “I am still in show business, I just need to concentrate on my family first, then come back after a while.

“Artists will always be artists.”

Iniisyu rin na si Julia raw ang “third party” sa paghihiwalay ni Ciara Sotto at asawang si John Oconer, o kaya buntis raw ito, o may kaaway ito.

Pero pinatunayan nila ni Ciara na walang katotohanan ang third party issue nang bumisita kamakailan sa Pilipinas si Julia at bumisita sa bahay nina Ciara.

Read: Julia Clarete is back; visits Ciara Sotto's home amid "third party" rumor


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN