Anne Curtis insists photo of her sister Jasmine and boyfriend Erwan is a non-issue

Nilinaw ni Anne Curtis na mismong ang kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith ang nag-delete ng photo nito kasama ang boyfriend ni Anne na si Erwan Heussaff dahil sa mga malisyosong komento ng ilang netizens. "She decided na it's better i-delete na lang para wala na lang pag-usapan," sabi ni Anne.


Iginiit ni Anne Curtis na alam niya ang tungkol sa naging trending na photo ng kanyang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith at ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff.

“I knew everything about that and we’re okay,” sabi ni Anne nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ang taping niya para sa Gandang Gabi Vice.

Kasama ni Anne na maggi-guest sa episode na iyon si Jasmine.

“O, see, magkasama pa kami ni Jasmine na guests, di ba?” aniya pa.

Ano ang naramdaman ni Anne nang makita niya ang picture nina Erwan at Jasmine na kumalat sa social media?           

Sagot ng It's Showtime host, “Wala, kasi alam ko naman yun, e. Nandoon ako.

“There’s no issue at all, at alam ko, very close talaga silang dalawa.”

Totoo bang nag-away sila ni Jasmine dahil sa lumabas na larawan nito kasama si Erwan?

“No,” mabilis na sagot ni Anne.

“Nandiyan si Jasmine, guests kami sa GGV [Gandang Gabi Vice].  

“Kung magkagalit kami, baka hindi kami magkasama as guests for the show.”

Sa ngayon, hindi na makikita ang nasabing picture nina Jasmine at Erwan.

Ayon sa ilang netizens, mismong si Jasmine daw ang nag-delete ng picture nila ni Erwan.

Pero totoo bang binura ni Jasmine ang picture nila ni Erwan dahil sa kanya?

Tanggi ni Anne, “No, hindi. Siya na nag-alis nun kasi nga kung anu-ano na yung mga sinabi na comment about the picture, nag-speculate na, blah-blah-blah!

“So, she decided na it’s better i-delete na lang para wala na lang pag-usapan.”

Mariin ding pinabulaanan ni Anne ang kumalat na balitang nag-break daw sila ni Erwan dahil sa lumabas na picture nila ni Jasmine.

Hindi raw sila kabilang sa listahan ng famous showbiz couples na naghiwalay sa pagsisimula pa lamang ng 2016.

ANNE'S NEW SHOW. Samantala, nalaman ng PEP na hindi natuloy ang taping ni Anne para sa Gandang Gabi Vice that night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay kasi nito ang ang taping ng Kapamilya star para sa bago at first solo show niya sa ABS-CBN.

From a source, I Love OPM daw ang tentative title ng bagong show ni Anne.

Isa raw itong talent show with a twist. Pawang foreigners daw ang contestants na kakanta ng OPM songs.

Makakasama ni Anne dito bilang co-host niya si Eric Nicolas.

Ang mga hurado naman ay ang Concert King na si Martin Nievera, ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, at ang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN