Rodrigo Duterte on Mar Roxas political ad: "Hoy Roxas! Ako ang pinatatamaan ninyo."

Rodrigo Duterte to Mar Roxas: "Hindi mo na ako masira. I have proven to Davao, the entire Philippines, na kaya talaga to make a peaceful place."


Inalmahan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang diumano’y pagpapatutsada sa kanya ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.

Ito ay sa kadahilanang pinaniniwalaan ng alkalde na siya ang tinutukoy na “siga-siga” sa political ad ni Roxas.

Diretsahang pahayag ni Duterte, “May advertisement na may mga tao raw na siga-siga. [Expletive]

“Hoy, Roxas! Ako ang pinapatamaan ninyo.

“Meron akong ipapakita sa iyo. Exhibit A ko ang Davao.”

Base ito sa talumpati ni Duterte sa Batangas kahapon, January 31, at nailathala sa ABS-CBN News Online ngayong araw, February 1.

Nito lang nakaraang linggo ay naglabas ang kampo ni Roxas ng political ad kung saan sinabi nito ang mga sumusunod na kataga:

“Bakit si Mar? Wala akong drama. Hindi ako paawa. Hindi ako siga-siga.

“Pero hindi rin ako abusado. Higit sa lahat, hindi ako magnanakaw.

“Walang drama, trabaho lang.”

Bagamat walang pinangalanan si Roxas na personalidad sa kanyang political ad, buwineltahan ni Duterte ang diumano’y paninira sa kanya ng kapwa presidential candidate sa 2016 elections.

Patuloy na saad ni Duterte patungkol kay Roxas, “Hindi mo na ako masira.

“I have proven to Davao, the entire Philippines, na kaya talaga to make a peaceful place.

“Hindi mo na makuha sa akin yun.

“Hindi ako nagpasikat-sikat. Talagang may sigla ako.'”

SLAPPING, BOXING, GUNFIGHT CHALLENGE. Minsan nang nagpalitan ng maiinit na salita at naghamunan ng sampalan sina Duterte at Roxas noong December 2015.

Ito ay kasunod ng alegasyon ni Duterte na hindi totoong nakapagtapos si Roxas sa Wharton School of Economics sa University of Pennyslvania.

Read: Mar Roxas challenges Rodrigo Duterte to a slapping match

Bukod sa sampalan ay naghamunan pa sina Roxas at Duterte ng suntukan at barilan.

Ngunit sa huli ay binawi rin ni Duterte ang kanyang hamon dahil hindi naman umano marunong “magbaril” si Roxas.

Read: Mayor Rodrigo Duterte withdraws gunfight challenge vs Mar Roxas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN