Dingdong Dantes, Marian Rivera post photo of smiling Maria Letizia

Married couple Dingdong Dantes and Marian Rivera post photo of their smiling daughter Maria Letizia on Instagram


Ibinahagi ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nitong weekend ang larawan ng kanilang anak na si Maria Letizia.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinost ni Dingdong ang larawan ng dalawang-buwang anak habang nakaupo sa sofa at nakangiti.

Sa may kanang bahagi naman ng photo ay makikita ang nakatalikod na si Marian.

Sa background ng photo ay makikita ang larawan ng ama ni Dingdong na si Sixto Z. Dantes Jr., kung kanino isinunod ang pangalan ni Dingdong, na ang tunay na pangalan ay Jose Sixto Dantes III.

Happy Birthday lolo! #MariaLetizia

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Base rin sa caption ni Dingdong, ipinagdiriwang ng kanyang ama ang 68th birthday nito.

Samantala, ibinahagi rin ni Marian ang nasabing photo sa kanyang Instagram account.

Ay sus ang anak ko... ??? love you! ?? #MariaLetizia

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on

Sunod namang ipinost ni Dingdong ang larawan ng medal na nakuha niya mula sa marathon na Stride For Hope. Inialay ang nasabing medal sa kanyang ama at kay Letizia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN