Soul Siren Nina now a mother to a month-old baby girl

Soul Siren Nina is now a mom to a month-old baby girl. Last December, the singer posted a photo of her and her baby with a touching caption.


Lingid sa kaalaman ng marami, nanganak na pala ang singer na si Nina.

Christmas baby ang anak ng tinaguriang Soul Siren ng Pilipinas sa kanyang non-showbiz partner na si Coy Enriquez dahil isinilang ito noong December 24.

Pinangalanan nila ang kanilang baby girl na Ysabella Louise.

Samantala, balik-trabaho na ngayon si Nina matapos manganak, ayon sa ulat ni Ahwel Paz sa Showbuzz ng dZMM nitong Martes, February 2.

Minabuti umano ni Nina na huwag nang ipaalam sa publiko ang kanyang pagbubuntis at panganganak para sa privacy ng kanyang pamilya at dahil non-showbiz naman ang kanyang partner.

Inamin din ng singer na baka magbago ang kanyang boses sa kanyang panganganak, lalo pa’t kilala siya sa kanyang signature whistle kapag kumakanta.

Sa kanyang Instagram account noong December, nag-post si Nina ng larawan ng kanyang baby at naglagay pa ng madamdaming caption:

Samantala, sasabak nang muli sa pagkanta si Nina na nakatakdang magkaroon ng Valentine concert na pinamagatang Love Throwback, kung saan makakasama niya ang ilan sa mga kilalang OPM singers kagaya nina Rico Puno, Marco Sison, Gino Padilla, at Roselle Nava.

Gaganapin ang nasabing concert sa February 12 sa PICC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN