Tony Calvento sustains knife wound after heated argument with his driver

Tony Calvento sustains knife wound after heated argument with his driver Marcelo Marimon Jr.


Nagtamo ng saksak sa kaliwang kamay ang broadcast journalist na si Antonio “Tony” Calvento pagkatapos ng engkuwentro nila ng kanyang driver noong Linggo ng gabi, January 31.

Base sa report ng San Pedro City Police Station, ang insidente ay naganap sa mismong bahay ni Tony sa Laguna.

Sa kanyang police statement, isinalaysay ni Calvento na bago ang insidente ay inutusan niya ang kanyang driver na si Marcelo Marimon Jr. na tumaya sa last call ng karera ng kabayo.

Ayon sa broadcaster, ang utos niya ay “arrogantly followed” ni Marimon.

Pagbalik daw ni Marimon sa bahay ni Calvento, nagkasagutan ang dalawa na nauwi sa pagkuha ng driver ng kitchen knife na may habang 12.5 inches.

Sinubukan daw ni Calvento na kunin ang kutsilyo, na naging sanhi ng pagkakaroon ng sugat sa daliri niya sa kaliwang kamay.

Dahil dito, agad daw tinawag ni Calvento ang kanyang 28-year-old na anak para pigilan si Marimon. Sinubukan nilang posasan si Marimon ngunit nakatakas daw ito.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga pulis ang driver ni Calvento para harapin ang kasong attempted murder na isinampa ng broadcaster journalist laban sa kanya.

Narito ang ilang larawan ng natamong sugat ni Calvento, na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account:

http://radyo.inquirer.net/22964/22964

Posted by Tony Calvento on Monday, February 1, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN