Renz Fernandez to formally court Kris Bernal

Renz Fernandez on what he likes best about Kris Bernal: "Nagustuhan ko si Kris kasi ang cute-cute niya, tapos ang galing pang umakting. E, gusto ko yun, e, kasi… ewan ko, naa-attract ako sa ganun, e."


Aminado si Renz Fernandez na nililigawan niya ang kanyang co-star sa Little Nanay na si Kris Bernal.

Pero kumusta naman ang panliligaw niya sa dalaga?

Sagot ng anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong si Rudy Fernandez, “Ayun, nabasted ako! Hindi, joke lang.

“Hindi… hindi ko alam. Ngayon kasi magkaibigan pa kami, so ayun.”

Dahil nagsisimula pa lang siya ng panliligaw kay Kris, wala pa raw materyal na bagay na naireregalo si Renz sa aktres, tulad ng chocolates at bulaklak.

Kahit noong Pasko ay wala siyang gift kay Kris.

Sabi ni Renz, “Hindi pa kami ganung ka-close nung Pasko kasi, e.

“Recently lang ako nanligaw, nung last week lang.

“Actually, hindi pa nga ako nanliligaw, yun ang totoo.

“Iyon ang balak ko.”

Bakit hindi pa niya ginagawa?

“Bukas, gagawin ko! Hindi, walang biro, bukas. Oo, bukas.”

Bakit bukas pa lang niya balak ligawan si Kris?

“Hindi, kasi napag-usapan namin kanina, na okay na.

“Actually, hindi ko nga dapat sinasabi ito, kasi sorpresa yung bukas.”

Magpapadala raw siya ng bulaklak kay Kris bilang unang hakbang ng kanyang pormal na panliligaw sa dalaga.

“Kasi may mga nagpapadala kay Kris, sabi ko, kung labanan ng bulaklak, e, di ipapadala ko na yung buong Dangwa bukas sa bahay niya kung gusto niya!” bulalas ni Renz.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa taping ng Little Nanay nitong Martes ng gabi, February 2, sa Fairmount Hills Subdivision.

HOPEFUL. Base sa pagiging close nila ni Kris, sa tingin ba ni Renz ay may pag-asang sagutin siya ng Kapuso actress?

“Sabi niya meron daw, e, so tingnan natin!” natawang sagot ng binata.

“Hindi, nung una nga, hindi ako nire-reply-an! Kaya sabi ko, ‘Bahala siya!’”

Ano ba ang mga itine-text niya kay Kris?

“Sabi ko, ‘Kris, labas tayo,’ ganyan. ‘Manood tayo.’

“Hindi ako nire-reply-an, di nagtampo ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Bahala ka! Ayaw mo talagang mag-reply.’

“‘Baka hindi ako type,’ sabi ko.”

Bakit hindi niya personal na yayain si Kris, tutal ay lagi silang magkasama sa taping ng Little Nanay?

Sagot ni Renz, “Sinabi ko na nga. Okay na daw.”

Lalabas sila?

“Sana… Hindi, actually, nag-ano na kami, nanood na kaming movie nung mga two weeks ago.”

Silang dalawa lang?

“Hindi, may kasamang mga friends. Yun lang.

“So, ayun, getting to know each other.”

Hindi na raw sila nakapag-dinner pagkatapos manood ng sine.

“Gabi na kasi nun.”

Ano ang pinaka nagustuhan niya kay Kris?

Sagot ni Renz, “Nagustuhan ko si Kris kasi ang cute-cute niya, tapos ang galing pang umakting.

“E, gusto ko yun, e, kasi… ewan ko, naa-attract ako sa ganun, e.”

Ano ang sabi ng mommy niya?

“Cute daw si Kris. Boto siya.”

Alam ni LT na may gusto siya kay Kris?

“Oo. Sabi niya, ligawan ko daw!”

May mga ibang nanliligaw ba kay Kris?

“Madami, e,” sabi ni Renz.

Ano ang mayroon siya na wala sa ibang manliligaw ni Kris?

“Well, physically, magkakaiba yung dating namin.

“Mentally din, spiritually, tapos ayun.

“Ako siguro yung pinaka nagmamahal… hopefully!” at tumawa ang binata.

WILLING TO WAIT. Hanggang kailan siya handang maghintay para sagutin ni Kris?

“Hanggang ano... kahit kailan. Maski ano pa, eternity! Naks!” natatawang sabi ni Renz.

Kagagaling lang ni Kris sa isang relasyong hindi nag-work out; posibleng ayaw muna ni Kris makipagrelasyon.

Willing ba si Renz na maghintay?

Sagot niya, “Oo naman, siyempre!

“Patience is a virtue. Kailangan talaga nating mag-antay.

“Lalo na dito sa taping, madalas kong ginagawa ‘yan, ang pag-aantay.

“So, wala na sa akin yun. Maski sobrang tagal pa, okey lang.”

Ano ang pangtapat niya sa mga nakarelasyon na ni Kris in the past, tulad ni Carl Guevara?

“Na ano, na magiging masaya si Kris sa akin kaya huwag silang mag-alala,” sagot ni Renz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Renz, isang taon na siyang walang girlfriend.

Hindi ba siya nahirapan na isang taon siyang walang karelasyon?

“Hindi naman din kasi, at least, makaka-reflect ka sa sarili mo.

“Tapos makikilala mo yung sarili mo much better para pag may relationship ka na mas handa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN