Lovi Poe says Solenn Heussaff not yet married to Nico Bolzico

Kuwento ni Lovi Poe, dadalo siya sa nalalapit na kasalan ng kaibigang si Solenn Heussaff kay Nico Bolzico sa Paris kaya hindi raw totoong ikinasal na ang dalawa sa Argentina.


Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi Poe kung ikinasal na ba talaga ang close friend niyang si Solenn Heussaff sa longtime partner nitong si Nico Bolzico.

Tugon ng Kapuso actress, “No, because I’m going to her wedding.

“I’m going to her wedding and she doesn’t wanna mention yata kung kailan… basta I’m going there [Paris].”

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Lovi sa presscon ng Fantaisie, ang upcoming Valentine concert nila ni Solenn sa darating na February 6, sa Music Museum.

Matatandaang nauna nang napabalitang nagpakasal sina Solenn at Nico noong December 30, 2015 sa Argentina.

Read: Solenn Heussaff and Nico Bolzico tie the knot in Argentina

Ngunit sa presscon ng bagong pelikula ni Solenn na Lakbay2Love noong January 13, pinabulaanan niyang ikinasal na sila ni Nico.

Sabi lang ni Solenn, isang celebration lang daw ang nagganap para sa kanilang engagement.

Read: Solenn Heussaff: No wedding, just celebration of union

Pero may mga hindi pa rin kumbinsido rito. Baka raw kasi pinagtatakpan lang ni Solenn ang katotohanan dahil sa endorsements niya.

SUPPORTING GRACE. Sa kabilang banda, solido pa rin ang suporta ni Lovi sa half-sister niyang si Senator Grace Poe sa gitna ng mga pinagdadaanan.

Kahapon, February 2, ipinagpatuloy ang hearing sa Supreme Court tungkol sa citizenship issue ni Grace.

Read: Chief Justice cites Supreme Court cases where foundlings are presumed natural-born Filipinos

Pero para kay Lovi, natural-born Filipino ang kapatid niya sa ama.

Aniya, “Yes, for me, ha. Pamilya naman niya Filipino, e... who she considers her family are natural-born Filipino, so as she.

“Just because of certain circumstances doesn't mean she's less of a person,"

Magiging aktibo raw siya sa kampanya nito kasama ang kaibigang si Heart Evangelista, na asawa naman ni Senator Francis Escudero na ka-tandem ni Grace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN