Kris Bernal on Renz Fernandez: "I'm starting to like him."

Kris Bernal on Renz Fernandez: "Napapatawa niya ako, e! At saka napakatalino ni Renz. Pag nagkukuwentuhan kami, ang lalim, ang deep niyang tao. Makikita mo na may values siya, na talagang pinahahalagahan niya yung family and yung trabaho. Malalim siyang tao, kumbaga."


Ayon kay Kris Bernal, matagal nang nagpaparamdam sa kanya ang manliligaw niyang si Renz Fernandez.

Kuwento ng Kapuso actress, “Nung Prinsesa Ng Buhay Ko [2013], first show pa lang namin.

“E, nung time na yun, may iba akong ine-entertain, di ba?

“Ngayon, mas nagiging open ako kay Renz.

“Parang mas nabibigyan ko siya ng pansin, mas nabubuksan ko yung door ko for him.

“Nakita ko yung sincerity niya tsaka masaya siyang kasama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa taping ng kanilang primetime series na Little Nanay, sa Antipolo, noong Martes, February 2.

STARTING TO LIKE HIM. May mutual understanding (MU) na ba sila ni Renz?

Tumawa nang malakas si Kris at saka sinabing, “Hindi naman MU, pero I’m starting to like him.

“Kasi nagugustuhan ko yung personality niya.

“And nakita ko sa kanya na yung treatment niya sa akin, parang I’m just not any other girl, e. Alam mo yun?

“Parang you’re someone to be treated like a girlfriend or someone that should be treated like a princess.

“Parang ganun yung nakikita ko sa kanya every time na magkasama kami, na nag-uusap kami.

“Para bang alagang-alaga ako.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Renz, sinabi nitong siya ang pinaka nagmamahal kay Kris kumpara sa ibang nanliligaw sa dalaga.

“Talbog,” natatawang reaksiyon ni Kris.

“Nararamdaman ko naman yun kay Renz, in fairness naman.

“Siyempre may mga nanliligaw ding iba, may nagpaparamdam din.

“May mga nagpaparamdam din, pero kay Renz kasi, parang yung focus niya, ako lang, e.

“Parang wala siyang dine-date talaga na ibang girl.

“And he’s very consistent.”

Nalaman namin mula kay Kris na nanood ng sine at nag-dinner na sila ni Renz nang silang dalawa lang.

Pero nang tanungin ng PEP si Renz bago namin nakausap si Kris, ang sagot nito ay isang grupo silang lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ng Kapuso actress, “Baka nahihiya siya. May pa-pizza pa, di ba?”

Pinadalhan kasi ni Renz ng pizza si Kris sa tent nito noong araw na iyon.

MOTHER’S APPROVAL. Nakatrabaho na ni Kris ang ina ni Renz na si Lorna Tolentino, pero hindi pa sila nagkikita simula nang manligaw si Renz kay Kris.

Ayon kay Renz, boto si LT kay Kris para sa kanya.

“Talaga? Kilala pa ba ako ni Miss LT?” ang tila nahihiyang reaksiyon ni Kris.

Iyon nga, boto sa kanya si Lorna.

“Parang ang hirap naman!” at natawa si Kris.

“Ang hirap naman. Pero siyempre, nakaka-touch kasi, unang-una, importante talaga yung makasundo mo yung parents or yung family ng taong gusto mo, so iyon.”

Sa scale na 1:100, ano ang chance na sagutin niya si Renz?

Sagot ni Kris, “Seventy. At least lampas kalahati na, di ba?

“Malapit na, i-push niya pa!”

Handa na bang magmahal muli si Kris?

“Ready na. Tsaka hindi naman na ako bata para pagbawalan ako, e, di ba?

“Twenty-six na ako, e.

“Ready naman ako. It’s just that very picky ako, so…

“Kaya siguro hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend dahil nga mapili talaga ako.”

Ano ang pinaka nagustuhan niya kay Renz?

“Napapatawa niya ako, e! At saka napakatalino ni Renz.

“Pag nagkukuwentuhan kami, ang lalim, ang deep niyang tao.

“Makikita mo na may values siya, na talagang pinahahalagahan niya yung family and yung trabaho.

“Malalim siyang tao, kumbaga.

“Na hindi mo iisipin sa una, pero ang dami mong malalaman at matututunan sa kanya.

“Parang matandang tao and, at the same time, makikita mo na mabait na anak ito, mabait na kaibigan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN