Eugene Domingo says yes to love, but no to marriage and having a baby

Eugene Domingo is now ready to fall in love: "I should be open, I should give myself a chance to realize and to give in to the feeling: huwag matakot masaktan, ma-frustrate, mag-expect."


Inamin ni Eugene Domingo na hindi lang career niya ang masaya ngayon kundi pati ang kanyang love life.

“Bilang Uge, advice ko sa sarili ko at this point in my life is to allow myself to fall in love,” pahayag ni Eugene sa press conference ng kanyang upcoming comedy anthology sa GMA Network, ang Dear Uge.

Nang tanungin kung mayroong nagpapatibok ng kanyang puso ngayon, diretsong sagot ni Eugene:

“Meron na. I’m very happy right now. I care for someone.”

Pero sinabi niyang wala rito ang kanyang special someone.

Hindi naman nag-elaborate ang actress-TV host kung nasaan ito.

Sa tanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung in love na ba siya, sabi ni Eugene, “I’m not yet in love on a romantic level, but I’m really inspired.

"And I now understand how to care and look forward to something, to someone, to seeing someone.”

Gayunpaman, sinabi ni Eugene na hindi na niya pipigilan ang sarili na magmahal.

“I should be open, I should give myself a chance to realize and to give in to the feeling: huwag matakot masaktan, ma-frustrate, mag-expect.

“Babangon ka rin naman, tsaka andiyan naman ang mga kaibigan mo para bigyan ka ng pag-asa.

“Ang importante ma-in love, nakaramdam ka that you care, sumaya [that] someone cared for you.”

ON SETTLING DOWN. Bukas man si Eugene sa posibilidad pagdating sa pag-ibig, iba naman ang kanyang opinyon pagdating sa pagpapakasal at pagkakaroon ng anak.

Pahayag niya, “Ayoko nang magka-baby. That’s being too selfish.

“Because I’m already 44.

“Yung lusog na sa akin ngayon, sa akin na lang yun. Bibigay ko pa dun sa sanggol?”

Sa posibilidad naman na ikasal siya, sabi ni Eugene, “Di ko nakikita.”

Para naman sa kanyang bagong weekend show, layunin daw ng Dear Uge na magbigay kilig sa mga manonood tuwing Linggo ng hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nasabing programa, si Eugene ang host na magbabasa ng liham mula sa letter-sender.

May partisipasyon din daw siya sa kuwento bawat episode.

“Habang may binabasa akong sulat, lumalabas din ako sa kuwento, taking up different roles every week.

"Ito rin yung unang-unang nagustuhan ko sa concept, meron din akong iba't ibang characters every episode.

"And I’ll be able to act with different actors na gustung-gusto ko, and also different directors in very light, nakakaaliw na episodes.

"Kaya I’m very, very excited."

Magsisimula ang Dear Uge ngayong Valentines’ Day, February 14, pagkatapos ng Sunday Pinasaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN