Luis Manzano refuses to give details about relationship problem with Angel Locsin

Luis Manzano to fans who continue to support him and Angel Locsin: "Thank you very much sa mga nagpu-post sa social media namin. Thank you very much for the support sa amin as individuals and Kulit and Kite. Thank you very much sa pagmamahal."


Ikinagulat ni Luis Manzano ang balitang may kinalaman diumano sa movie project na Darna ang kung anumang pinagdadaanan ng relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Angel Locsin.

Ayon sa usap-usapan, nagkaroon daw ng matinding aaway sina Luis at Angel dahil tinanggap pa rin daw ng aktres ang role na Darna kahit na hindi pa magaling ang disc bulge nito.

Ngunit giit ni Luis, “Honestly, walang kinalaman ang Darna. Nagulat ako sa Darna issue na ‘yan.

“There are so many speculations, ibigay na natin sa kanila yung mga gusto nilang isipin.

“At the same time, ibigay na nila sa amin yung natitira para sa amin.”

Sinang-ayunan naman ni Luis ang naging pahayag ni Angel, sa panayam nito sa Tonight With Boy Abunda, na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Saad ni Luis, “Oo naman, may mga kailangan lang pagdaanan talaga ang mga tao, especially yung mga pinagdaanan namin.

"Kung ano ang eksaktong sinabi ni Angel, ayoko na ngang magsabi ng kahit na ano pa.

“Mamaya masabi na kung sino pa ang lalaki, siya pa ang pinakamadaldal.

“I’d rather leave everything to her.

“Okay na yung sinabi ko na may pinagdaanan kami, okay na yun.

“Pangit naman kung sa akin manggagaling ang lahat.”

Sinusubukan ba nilang ayusin kung anuman ang problema nila ngayon?

Tugon ni Luis, “May mga kailangan pang ayusin din naman sa aming dalawa.

“Iwanan natin dun sa interview ni Angel sa Tonight With Boy.”

Ano naman ang reaksiyon ni Luis sa sinasabi ng ilan na tila hindi raw siya apektado sa pinagdadaanan ng relasyon nila ni Angel?

Pahayag ng Kapamilya Deal Or No Deal host, “A lot of good things is happening in my life.

“Eksakto kung ano ang sinabi ni Angel, ang daming nangyayaring maganda, so hindi mahirap humugot ng lakas ng loob sa mga nangyayari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Luis na magkaibigan at bukas pa rin ang komunikasyon nila ni Angel.

“Oo naman, in fact magka-text kami kahapon. Okay kami,” diin niya.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Luis sa mga tagahanga nila ni Angel na patuloy pa ring sumusuporta sa kanilang dalawa.

“Thank you very much sa mga nagpu-post sa social media namin.

“Thank you very much for the support sa amin as individuals and Kulit and Kite.

“Thank you very much sa pagmamahal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN