Heart Evangelista, Chiz Escudero postpone renewal of vows

Instead of renewal of vows, Heart Evangelista and husband Senator Chiz Escudero have decided to just have a simple celebration for their first wedding anniversary.


Simple lamang daw ang magiging selebrasyon nina Heart Evangelista at Senator Francis “Chiz” Escudero ng kanilang first wedding anniversary sa February 15, Lunes.

Matatandaang balak sana nilang magkaroon ng renewal of vows sa unang anibersaryo ng kanilang kasal.

Subalit nagbago na raw ito, marahil dulot na rin ng pagsisimula ng campaign period para sa darating na national elections.

Tumatakbong vice president si Chiz sa ilalim ng tiket ni Senator Grace Poe.

Pahayag ni Heart, “Actually, we really want it na magkaroon kami ng kaunting ceremony or renewal of vows.

“But then, iniisip namin na hindi siguro ito ang tamang panahon para magkaroon ng ganung ceremony, kasi mabibigyan lang din siya ng ibang kulay.”

Dagdag niya, “Sayang lang din kung hindi rin namin mae-enjoy at hindi magiging romantic.

“It can wait. Ang importante is happy na kaming lahat, okay na ang family ko.

"We could save that for another day."

Kaya naman sa kanilang first wedding anniversary, sabi ng Kapuso actress, “Baka mag-simple dinner na lang kami dito, siguro at home.

“Kasi, sobrang pagod na rin ni Chiz, so sa bahay na lang kami mag-dinner kasama ng iba kong mga kaibigan.”

Halos ganito rin daw ang mangyayari sa kanyang kaarawan sa February 14, kung saan makakasama naman ng actress-TV host ang kanyang malalapit na kaibigan.

Sabi ni Heart, “Lahat kaming magkakaibigan, pinaplano naming pumunta sa Sorsogon.

“Naging malapit na siguro sa amin ang Sorsogon dahil ang dami na naming good memories doon.

“So, we plan to go there and hopefully, makasama si Chiz kung gusto niya.

"Pero kami, mauuna na kami roon."

Ang Sorsogon ang hometown ni Chiz at ng pamilya Escudero.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Heart matapos ang contract signing niya para sa bagong iniendorsong Veterans Bank, ngayong Huwebes, February 4.

SUPPORTIVE WIFE. Bilang asawa ni Chiz, makikita raw si Heart sa ilang campaign sorties ng senador sa iba't ibang lugar sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, he also respects that I have work. But bilang asawa, of course, I'll be there for him.

“If ever na hindi siya makarating sa isang sortie, ako yung pupunta.

“That's good kasi we get to reach two places at one time.”

Bukod sa pangangampanya para sa kandidatura ni Chiz, magandang pagkakataon din daw ito para makalibot si Heart sa Pilipinas.

Sabi niya, “It's also my chance to see the Philippines, kasi for 17 years, grabeng every day ako nagtratrabaho.

"Two weeks in a year lang ako puwede magbakasyon, so minus four days pa yun dahil sa travel time.

“Parang ngayon, ngayon ko pa lang talaga mae-experience na makakaikot sa Pilipinas, so I'm very excited also.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN