Eugene Domingo done with her "semi-retirement break"

Matapos ang hindi paggawa ng acting projects nitong mga nakalipas na taon, sinabi ni Eugene Domingo na tapos na siya sa kanyang semi-retirement break at balik acting na.


Tapos na si Eugene Domingo sa kanyang ??semi-break?? sa showbiz.

Maliban sa kanyang Kapuso game show na Celebrity Bluff, hindi ganun ka-visible si Eugene sa acting projects??teleserye man o pelikula??kumpara noong mga nakalipas na taon.

Noong 2014, sa promotion ng pinakahuling indie movie niya na Barber??s Tales, sinabi ni Eugene na magkakaroon muna siya ng ??semi-sabbatical leave.??

Ito ay dahil na rin sa frustration ni Eugene na hindi gaanong tinatangkilik ng manonood ang mga pelikula niya kahit na ito ay mga dekalidad naman.

Read: Eugene Domingo frustrated by box-office results of her serious films; wants to take 'semi-sabbatical leave' from movies

Pero sa press conference ng kanyang upcoming weekend comedy anthology sa GMA Network na Dear Uge, nitong Miyerkules, February 3, sinabi ng aktres na magiging aktibo na muli siya sa pag-arte.

??I am doing a film or two films this year,?? pagbabahagi ni Eugene sa miyembro ng entertainment press.

Nakatakda niyang gawin ang sequel ng surprise hit na Ang Babae sa Septic Tank (2011).

Sa ngayon, kuntento si Eugene sa kanyang career.

??I cannot be more thankful.

??I??m very, very happy. I??m very, very thankful.

??This is a gift, this is a blessing.

??I have accepted that given this kind of opportunity and all of you are still here, I am still here after all the bullshit, I think my objective now is really just be committed to entertaining the people.

??They deserve to be happy because I??m seen on TV, so I won??t waste it.

??But after two years or three years of semi-retirement, I have realized you can say no [to certain projects].??

Kapag hindi raw siya masaya sa isang proyekto, tatanggi na raw si Eugene, hindi gaya dati na gawa lang siya nang gawa ng pelikula.

??Of course, I??m 44, I??ve been here for like 25 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??I have been from a bit player, to a star, to chill, to a flop, to steady. But I??m still here.

??Why am I still here? Maybe I deserve to be here.

??So I??m just going to take the opportunity, to just be a blessing to people, because I want to make you happy.

??That??s why I??m here, that??s all, and while I??m doing it, I??m going to be happy too.??

Aminado kasi si Eugene na na-burnout siya kaya siya nagdesisyong magkaroon ng semi-sabbatical leave.

??Kasi since 2009, nung nag-Kimmy Dora, siguro every year in my generation, I??m the only actress who did seven or nine films a year, plus TV.

??So, hindi ka ba mabe-burnout?

??Pero hindi ko sinasabi na hindi ko gusto ang ginawa ko; kaya ko nga ginawa dahil gusto ko.

??But it??s not healthy... physically, mentally, spiritually, it??s not healthy.

??But there??s a lot of learning, a lot of joy as well.

??But, at the end of the day, all you need to consider is that, 'Are you really happy?'??

Ngayong February 14, Valentine's Day, magsisimula ang Dear Uge sa GMA-7, pagkatapos ng Sunday Pinasaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN