Daniel Padilla's promise to Kathryn Bernardo: "Nandito ako... hindi ko siya pababayaan."

Daniel Padilla can't ask for anything more and he is supremely grateful. He says, "Napakabait lang talaga ng Diyos. Wala na akong hinahanap pang iba, wala na akong kailangan pang iba. Pag naiisip ko kung may kulang pa ba sa akin, wala, okay na ako. Kumbaga, ganun ang estado ko ngayon."


Hindi man kinumpirma ni Daniel Padilla kung girlfriend na niya sa totoong buhay si Kathryn Bernardo, inamin naman niyang “love” ang nararamdaman niya para sa kanyang ka-love team.

Sa farewell presscon ng ABS-CBN primetime series Pangako Sa ‘Yo, na pinagbibidahan nina Daniel at Kathryn, natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nila ilalarawan ang kanilang relasyon ngayon at kung gaano nila pinahahalagahan ang isa’t isa.

Tugon ni Daniel, “Kami ni Kathryn, para sa akin is bigayan kami.

“Example, pag ako nasa set at pag nakikita ko na hindi masaya si Kathryn sa set, bad trip na ako nun, ganun.

“Pero pag ako nasa set at nakikita kong okey siya sa set, parang kaya kong mag-taping kahit hanggang kinabukasan.

“Yung ganung feeling, alam mo iyon.

“Ang tawag doon ay…?” tanong ng young actress sa press na dumalo sa presscon.

Nang sumagot ang mga press ng “love,” sumang-ayon si Daniel at sinabing, “Love! Thank you so much!”

Ginanap ang presscon noong Huwebes, Pebrero 4, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

DANIEL’S PROMISE. May naging pangako ba si Daniel kay Kathryn na natupad na?

Tugon niya, “Ikuwento ko lang kanina yung mga nasa isip ko.

“Kanina going here, tahimik lang ako sa kotse tapos may mga iniisip lang akong bagay tungkol kay Kathryn.

“Na grabe na rin pala yung pinagsamahan naming dalawa, di ba?

“Sobrang napa-proud lang din ako kay Kathryn sa lahat ng nararating din niya ngayon.

“Magkasama kaming dalawa, na ako yung kasama niya sa lahat ng nararating niya ngayon.

“Very proud ako doon. O, di ba, may mga ganun pa ako,” sabay tingin niya kay Kathryn at natawa.

Sabi pa niya sa ka-love team, “Masyado na kasing seryoso, sorry.

“Hindi, very proud ako talaga and very thankful sa lahat.”

Saglit na nahinto si Daniel sa pagsasalita at sinabing, “Nagiging emosyunal ako, e…

“Iyon nga, very proud ako kay Kathryn sa lahat ng nangyayari sa amin ngayon.

“And kaming dalawa, very happy kami sa isa’t isa.”

Dagdag pa niya, “Ang ipinapangako ko lang talaga sa kanya ay nandito ako para sa kanya.

“Hindi ko siya pababayaan hangga’t ako ang kasama niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GROWING MATURE. Sa puntong ito ay nagbigay rin ng pasasalamat si Daniel sa magagandang pangyayari sa kanyang career at personal na buhay.

Aniya, “Siguro para sa akin, napakabait lang talaga ng Diyos.

“Wala na akong hinahanap pang iba, wala na akong kailangan pang iba.

“Pag naiisip ko kung may kulang pa ba sa akin, wala, okey na ako.

“Kumbaga, ganun ang estado ko ngayon.

“So, dahil sa show na ito [Pangako Sa ‘Yo], sobrang nag-mature ako sa show na ito.

“Kaya nagpapasalamat din ako sa lahat ng kasama ko dito sa show, sa Star Creatives.

“Thank you, sobrang solid ng Pangako.”

Iyon rin ba ang ipinangako niya kay Kathryn, na magiging mature na siya?

“Hindi, hindi, mature na talaga ako.”

Bukod sa gumagandang relationship nina Daniel at Kathryn, masayang-masaya rin ang magka-love team dahil sa tagumpay na tinatamasa ng teleserye nila, lalo na ngayong nalalapit na ang pagtatapos nito sa February 12.

Kabilang sa success na ito ang gabi-gabing mataas na national TV ratings na naitatala ng Pangako Sa ‘Yo base sa data ng Kantar Media.

Noong February 2 nga ay nakamit nito ang all-time high national TV rating na 40.6 percent, pinakamataas na naitala ng PSY simula nang umere ito noong May 2015.

Naghari rin ito online bilang kauna-unahang teleseryeng nakakuha ng isang milyong tweets sa Twitter noong Hunyo 2015 sa pamamagitan ng “Batas ng Api” episode nito.

Ito rin ang most searched na TV series sa bansa noong 2015, ayon sa search engine na Google Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN