Mark Neumann's alleged video scandal leaked

Netizens speculate that Mark Neumann bears a strong resemblance to the guy in the latest video scandal.


Ngayong gabi, February 6, sa ganap na 8:00 pm, ang premiere telecast ng Tasya Fantasya, ang romantic/fantasy series ng TV5 at Viva na pinagbibidahan nina Shy Carlos at Mark Neumann.

Kasabay ng pag-uumpisa ng Tasya Fantasya ang pagkalat ng alleged video scandal ni Mark.

May hawig kay Mark ang lalaking nasa video na may running time na more than 18 minutes.

Tuloy, may ilang netizens ang na-curious at gustong manood ng serye mamaya para tingnan kung talagang si Mark ang nasa video.

PROS AND CONS OF SOCIAL MEDIA. Sina Shy at Mark ang naging guests ng PEPtalk noong January 26.

Isa sa mga itinanong kay Mark ay ang isyu ng pagkalat ng mga video scandal ng mga kapwa niya aktor.

Nilinaw muna ni Mark na wala siyang video scandal bago sinagot ang kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga kasamahan niya sa industriya.

Sabi niya, “Isipin natin na tao pa rin sila.

“If they get bashed for it, masakit din di ba?

“Siguro, around yung mga age ng teenagers, more of curiosity or yung sinasabi na they get influenced by social media.

“They say social media has a good part and also a bad part...

“Good part because any time, you can communicate with your family, with your friends.

“You just needed a connection, even from other countries, yung family mo, makakausap mo.

“Bad side naman is they get influenced at the young age from what they see on their timeline.

"Hindi mo ma-prevent e kasi they will just see it.”

Nang tanungin kung sino ang dapat sisihin sa paglitaw sa social media at adult websites ng mga video, ang kumuha o ang nagkalat?

“Pareho” ang sagot ni Mark.

Patuloy pa niya, “I think both because you shouldn’t be doing it.

“You shouldn’t be spreading it out kasi buhay pa rin ‘yan ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It will affect the person itself.”

Bukas ang website na ito sa anumang pahayag ni Mark Neumann tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN